Walang care sa panganganak ni Jennylyn, Patrick ‘di makontak
Naglagay na ng tent sa Jamboree Street entrance ng GMA 7 para hindi mabilad sa araw o mabasa sa ulan ang mga fans na pumipila para makakuha ng mga libreng tickets para sa joint birthday show nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Parang palaging may rally sa harap ng GMA 7 gate dahil sa rami ng mga tagahanga na nag-uunahan na makakuha ng libreng tickets.
I repeat, libre o walang bayad ang tickets. Tiyak na may mga tao na magsasamantala sa kanilang kapwa. Ipagbibili nila ang mga tickets itsurang libre ito.
Kung may mababalitaan kayo na nagbebenta ng tickets para sa birthday show nina Marian at Dingdong sa August 27, siguradong illegal ’yon at puwedeng i-report sa GMA 7.
* * *
Tuloy ang Hong Kong shoot ng Gaano Kadalas ang Minsan (GKAM) at naka-schedule ito sa first week ng September.
Ang HK trip ang bonus sa cast ng GKAM dahil umabot sa 27.2 % ang kanilang rating, ang pinakamataas na rating na nakuha ng isang afternoon show.
Hindi lang sure na makakasama ang buong production staff ng show dahil magastos magbiyahe sa ibang bansa.
* * *
Idinenay ni Dominic Ochoa na nagpakasal sila sa Paris ng kanyang girlfriend. Hindi raw totoo ang balita dahil kailangan nilang bumalik kaagad sa Maynila.
Baka raw matuloy sa susunod na taon ang balak na pagpapakasal nila ng kanyang girlfriend na walang kinalaman sa showbiz.
Nilinaw ni Dominic ang isyu sa presscon ng Hush Hush, ang show ng TV5 ni Laurice Guillen.
Si Laurice ang direktor at produ ng Hush Hush. Kasama sa cast ng show ang kanyang mga anak na sina Ana at Ina Feleo.
* * *
Walang dapat ipag-alala ang mga fans ni Mark Herras dahil hindi siya pinababayaan ng GMA 7.
Huwag kayong maniwala sa mga paninira kay Mark. Gawa-gawa lang ’yon ng mga naiinggit sa kanya.
Nabasa ko na ang mga e-mail ng paninira kay Mark at hindi ako naapektuhan. Bakit ako magpapaapekto eh mas alam ko kung ano ang totoo?
* * *
Wanted ng mga reporters si Patrick Garcia at ang kanyang pamilya. Gustong malaman ng mga reporter ang reaksyon ni Patrick sa pagsisilang ni Jennylyn Mercado sa kanilang baby boy noong Sabado, August 16.
Bigo ang mga reporters dahil hindi nila alam kung paano makokontak si Patrick. Sinabi ng kanilang mga napagtanungan na nasa abroad pa rin si Patrick pero hindi nila alam ang kanyang contact number.
Siyempre, hindi ibibigay ng ina at kapatid ni Patrick ang contact number nito sa ibang bansa para hindi na magulo ang kanyang buhay pero tiyak na updated siya sa mga nangyayari sa Pilipinas, lalung-lalo na sa panganganak ni Jennylyn.
I’m sure, excited si Patrick na makita ang baby nila ni Jennylyn. Ang tanong, papayag ba si Jennylyn na ipakita kay Patrick ang bagets?
Parang telenovela na sinusubaybayan ang mga pangyayari sa love story nina Patrick at Jennylyn dahil araw-araw, iba ang mga drama at eksena.
- Latest