Say ng mommy ni Angelica Jones, Maui binubugaw daw ng ina
Tumawag sa amin si Mommy Anet Taylor, ina ni
Habang kausap namin si Mommy Anet ay ramdam pa rin namin sa kanyang boses ang sobrang pagngingitngit, hindi kasi niya pinantayan-sinabayan ang pagiging palengkera ni Mommy Beth nung gabing yun, kaya ang pakiramdam ng ina ni Maui ay masyado siyang nadehado sa laban.
Naikuwento na namin sa kolum na ito
Nung kinukuha na niya ang mga alahas ay wala namang maibalik si Mommy Beth, mabuti na lang at may taong nagmalasakit sa kanya, sinamahan siya nito sa isang pawnshop.
Sa kung paanong proseso ay nakuha ni Mommy Anet ang mga papel de ahensiya, yun mismong mga hinahanap-kinukuha niyang piraso ng alahas mula kay Mommy Beth ang mismong naka-drawing sa dokumento ng sanlaan, lumalabas na kaya pala hindi maibalik ng ina ni Angelica Jones ang mga alahas ay dahil nakasanla ang mga yun.
Kung ano-anong pangako ang sinasabi ni Mommy Beth kay Mommy Anet, pero wala namang natutupad, siya kasi ang nagdadala ng problema dahil kinuha lang din niya ang mga alahas na yun sa isang jeweler.
“Ako ang kausap nung alaherang kaibigan ko, kaya natural lang na ako naman ang hinahabol niya. Kailangan kong makuha ang mga alahas kay Beth, ibabalik ko na lang, dahil hindi niya naman nababayaran.
“Hanggang sa malaman ko na isinanla niya pala ang mga alahas, nung puntahan ko siya sa bahay nila sa Mandaluyong, sinabi niya sa akin na gagawan daw niya yun ng paraan para mabayaran,” kuwento ni Mommy Anet.
Pagkatapos nang ilang buwan ay nagkita nga sila sa Zirkoh Bar, hindi niya inaasahang magkikita sila dun ni Mommy Beth, kaya para sa kanya ay magandang oportunidad ang pagkakataong yun para makumusta niya ang mga pangakong napapako ng ina ni Angelica.
* * *
Nilapitan niya si Mommy Beth, mahina lang ang kanyang boses, sa totoong buhay ay parang ipis sa kahinaan kung magsalita ang ina ni
“Maayos ko siyang nilapitan, tinanong ko siya kung paano na ang gagawin namin sa mga alahas na kinuha niya. Pero hindi pa ako nagpapaliwanag, nagtatalak na siya agad.
“Kung ano-ano na ang pinagsasasabi niya, kesyo ako raw ang maraming problema, marami raw siyang alam na problema ko, ako pa ngayon ang parang lumalabas na may utang at pangangailangan sa kanya.
“Ang lakas-lakas ng bibig niya, nakakakuha ng attention talaga, ako ang nahihiya para sa kanya dahil ang dami-daming taong nandun na nagtitinginan na sa amin,” simulang kuwento ni Mommy Anet.
Hindi na lang niya sinabayan ang pagtalak ng ina ni Angelica, kung kilala nga namin ang ina ni
Pero meron siyang hindi kinayang palampasin, lakad daw nang lakad si Mommy Beth sa lugar kung saan siya nandun, ang sabi nito, “Basta ako, ang alam ko, hindi ko ibinubugaw ang anak ko!”
Pinabayaan pa niya yun nung una, pero masyado nang naging diretso ang bibig ni Mommy Beth, “Ikaw, ibinubugaw mo ang anak mo!”
“Dun na nagpanting ang tenga ko, sinabi ko sa kanya na magdahan-dahan siya sa pagsasalita at baka hindi niya kayang panindigan ang mga akusasyon niya sa akin.
“Sinabi ko sa kanya na hindi pa kami sumasala sa oras, kumakain pa ang buong pamilya namin, kaya huwag siyang nagsasalita ng mga bagay-bagay na wala siyang pruweba.
“Kinakausap na po namin ang mga abogado namin ngayon, napalampas ko noon ang mga ginagawa niya sa akin, pero this time, I think we really have to do something legal na,” madiing pahayag ni Mommy Anet.
- Latest