^

PSN Showbiz

Sarah pwede nang kalimutan ang pagiging bungisngis

- Veronica R. Samio -

Hindi matatawaran ang loyalty ni John Prats bilang isang Kapamilya. Labing-pitong taon na itong nasa ABS-CBN at muling pumirma ng kontrata rito bilang patunay ng kanyang pagiging matapat sa network na kung saan ay nagsimula siya bilang isang child star sa programang Ang TV at naging part ng iba’t ibang programa ng naturang istasyon. Nakagawa na rin siya ng hindi mabilang na pelikula sa film arm ng ABS-CBN, ang Star Cinema.

Simula sa buwan ng Setyembre, dalawang programa ang nakatakdang pagbidahan ni John, ang Komiks Presents Mars Ravelo’s Tiny Tony, isang tiny superhero na tiyak na kagigiliwan ng mga bata.

 Muli ring sasabak si John sa drama dahil siya ang bida sa monthly drama series na Your Song Presents. Mayro’n din siyang special role sa I Love Betty La Fea. At isang sitcom na kasalukuyang binubuo na ang cast.

* * *

Mukhang hindi pa rin maayos ang lahat sa pagitan nina Jasmine (Kim Chiu) at Julian (Gerald Anderson). Kahit nahanap na si Jasmine, pilit pa rin itong umiiwas kay Julian. Hanggang saan ang kayang tiisin ni Julian para sa minamahal?

Nang tanungin si Gerald kung ganito rin siya in real life, “For starters, gusto ko laging nagbibigay ng gift sa girl. Laging ’andun ako for her. Before ako nag-showbiz, hatid-sundo ako sa isang girl. Kahit umuulan ’andun ako sa labas at naghihintay sa kanya. Gusto kong ipakita sa babae na matiyaga ako.”

Huwag palagpasin ang mga bagong exciting revelations sa My Girl, weeknights sa Primetime Bida, pagkatapos ng Iisa Pa Lamang.

* * *

At this point, puwede nang sabihing magaling nang artista si Sarah Geronimo. After her success in A Very Special Love na kung saan ay nagawa niyang makipagsabayan ng pag-arte sa batikan ng si John Lloyd Cruz and earned raves in the process, kagabi, nagpasikat na naman siya sa longest-running at multi-awarded anthology, ang Maalaala Mo Kaya kasama ang resident bad girl ng Iisa Pa Lamang na si Cherry Pie Picache, at muli ipinamalas niya na hindi lamang siya sa kantahan mahusay.

Yes, isang mahusay at natural na aktres si Sarah na pwede na palang kalimutan ang kanyang pagiging bungisngis kapag ginusto niya and transforms herself into the character she is supposed to play. Nakasama nila sa episode si Jason Abalos na mapapanood na sa inaabangang Eva Fonda sa direksyon ni Dadi Lumibao.

* * *

Tapos na ang paghihintay, makikilala na ngayong hapon sa The Buzz si Armando. Pormal na ipakikilala sa programa ang aktor na gaganap ng kanyang character sa I Love Betty La Fea na pagbibidahan ni Bea Alonzo para sa ABS-CBN.

Buwan ng Mayo nang ipakilala si Bea bilang Betty La Fea. Sinundan ito ng pagpapakilala kay Ruffa Gutierrez bilang Daniella na nasundan din ng pagpapakilala kay Vhong Navarro bilang Nicolas.

Nagpapakilala na rin ang ibang members ng cast na sina AiAi delas Alas, Ronaldo Valdez, Sam Concepcion, Sheryn Regis, Meryll Soriano, Joem at iba pa.

Pagkatapos ng mahigit tatlong buwan, makikilala na kung sino si Armando, ang pinaka-importanteng lalaki na magiging bahagi ng buhay ni Betty.

* * *

Medyo matagal-tagal na ring nagsimula ang Komiks Presents Mars Ravelo’s Varga pero parang ngayon lamang nararamdaman ni Mariel Rodriguez ang excitement na dulot ng pagganap sa kanyang first starring role.

“Siguro dahil matapos ma-established ang mga character, eto at gumagalaw na sila, may buhay na. Tulad ng sitwasyon namin ni Olga (Angel Sy), nagsisisihan kami dahil nawala ang kanyang ama (Dominic Ochoa), dahil dito maghihiwalay kami pero dito pa lamang magsisimula ang realization na we have something in common, bukod sa pagiging ulila namin pareho. Exciting ang pagsasanib pwersa namin para maging super hero na si Varga,” kwento ni Mariel.

Papasok na sa eksena  sina James (Zanjoe Marudo) at Xandra (Sheryl Cruz) at makikilala nila sina Olga at Vara. May lihim na itinatago si Xandra, kung paano niya napananatili ang kanyang flawless complexion. May kinalaman kaya ito sa pagkamatay na ama ni Olga?

* * *

First concert kagabi ng Dance Squad singers and dancers kasama ang London-based artist na Chiquitas bilang guest.

Sayang at dahil sa kaabalahan ni Marian Rivera ay hindi ito nakadalo sa concert. Inimbita pa naman siya ng isa sa mga members, si Robert Solomon dahil gusto nitong iparinig kay Dyesebel ang song na kinompos niya para rito. Pero hindi nawawalan ng pag-asa ang batang singer na malaki ang crush kay Marian. Balak niyang bigyan na lamang ito ng kopya ng song na ginawa niya para rito.

o0o

Ngayong gabi meron nang 1st Pinoy Idol. Mai-enjoy na niya ang napakaraming premyo na inilaan ng pakontes para sa mananalo, tulad ng isang condo unit, kotse, cash, management contracts at kung anu-ano pa.

* * *

Punung-puno ngayong hapon ang Showbiz Central, babawi ito sa medyo matabang na showing niya last week.

Una na ang paghaharap nina Maui Taylor at Mo Twister. Ikalawa, ang pag-upo ni Nadia Montenegro sa Don’t Lie to Me na susundan ng pagbubuking ni Aiko Melendez ng bagong pag-ibig ng kanyang ex-husband na si Martin Jickain.

 Ayaw daw ipakita ni Carlene Aguilar ang kanyang anak kay Cristine Reyes. Bakit dapat ba? Dingdong Dantes at Marian Rivera, handang-handa na sa kanilang paghaharap.

CENTER

I LOVE BETTY LA FEA

IISA PA LAMANG

KANYANG

KOMIKS PRESENTS MARS RAVELO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with