^

PSN Showbiz

Hero pamalit na lang kay JC de Vera

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Bukod sa children’s party, isang mamahaling stroller ang birthday gift ni Dennis Trillo kay Calix Andreas, ang anak nila ni Carlene Aguilar na magwa-one-year old sa September 22. Si Carlene na rin ang bumili ng stroller at siya na lang ang nagbigay ng perang pambili.

Kuwento pa ni Dennis, “dada” pa lang ang nasasabi ng anak, pero may ears na for music dahil nang unang makarinig ng tambol, hinanap ang pinanggalingan ng sound, kaya binilhan niya ito ng hand drums para habang bata pa ay na-i-enhance ang hilig sa musika.

Samantala, pinag-comment namin si Dennis sa inamin ni Katrina Halili sa isang TV interview na mas close siya kay Marvin Agustin kesa sa kanya na leading man nito sa Magdusa Ka at muling makaka-pareha sa Gagambino. Hindi ba siya na-offend sa sinabi ng kapareha?

“Hindi ko alam kung anong meron sila, sa akin ang importante katrabaho ko siya at magaganda ang sinabi ko sa kanya,” sagot ni Dennis.

Hindi rin alam ni Dennis kung gumanti lang si Katrina sa tsismis sa kanya with other girls kaya sinabing mas close siya kay Marvin.

* * *

 Ang bilis nang pagbabago ng cast ng Sundo, ang bagong pelikula ng GMA Films dahil out na si JC de Vera at pinalitan siya ni Hero Angeles. Conflict sa schedule ang ibinigay na rason ng kampo ng actor kung bakit hindi niya magagawa ang pelikula.

 Magsisimula na raw ito ng taping ng Obra  at naka-schedule na ang shooting ng Shake, Rattle & Roll X, his next movie sa Regal after Loving You  na sa August 20, na ang showing.

 Nanghinayang daw si JC sa hindi niya pagkatuloy sa Sundo dahil first time niyang makakasama si Robin Padilla at first time rin niyang makaka-pareha si Rhian Ramos. Saka, reunion din sana nila ni direk Topel Lee na director din niya sa Ouija. No choice si JC kundi bitawan ang Sundo kesa naman magkabuhul-buhol ang kanyang schedule.

Samantala, tuwang-tuwa naman si Hero na muling gumawa ng pelikula’t ang last mainstream movie niya ay Can This Be Love  pa ng Star Cinema. Huli siyang napanood sa indie movie na Stockroom  na siya rin ang producer at director.

vuukle comment

CALIX ANDREAS

CAN THIS BE LOVE

CARLENE AGUILAR

DENNIS TRILLO

SUNDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with