^

PSN Showbiz

Paolo ready nang maghubo’t hubad

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Nagpunta ako kahapon sa presscon ng Bilib Ka Ba Nights ng GMA 7 dahil  sa kontrata na papipirma­han ko kay Paolo Contis.

First time ko na narating ang Mandarin Suites ng Gateway Mall. Siyempre, mataas na sa akin ang 4th floor location ng presscon venue.

Ang Bilib Ka Ba Nights ang bagong show ng GMA 7 na mapapanood sa mababakanteng timeslot ng Kung Ako Ikaw.

Magba-babu na sa ere ang Kung Ako Ikaw pero maggo-goodbye ito na mataas pa rin ang rating.

Alam ng management ng Kapuso network na mga bagong programa ang gustong mapanood ng televie­wers pero tatlo at hindi isang programa ang kapalit ng Kung Ako Ikaw.

Ang Ripley’s Believe It Or Not, World Records at Masquerade ang tatlong shows ng Bilib Ka Ba Nights.

Tuwang-tuwa si Paolo Contis dahil siya ang napili na maging host ng World Records, natoka naman ang Ripley’s Believe It Or Not kay Chris Tiu na malakas ang hatak sa viewers at ang Masquerade kina Ariel & Maverick na may sariling show na rin sa wakas.

Na-late nang dating si Chris sa presscon ng Bilib Ka Ba Nights dahil nanggaling pa siya sa taping ng Ripley’s Believe It Or Not.

Madalas na ikumpara si Chris sa nasirang aktor na si Rico Yan dahil pareho sila ng aura as in napaka­disente ng kanilang mga itsura.

Ang linis-linis ng image ni Chris kaya marami ang humahanga sa kanya. Bukod sa mahusay na basketball player, magaling din na businessman si Chris.

* * *

Napansin ng mga reporter ang hunky body ni Paolo Contis. Kapag walang taping si Paolo, nagba­babad siya sa gym para mag-excercise kaya bumalik na ang magandang shape ng kanyang katawan.

 Pumayag na nga si Paolo na magpa-picture ng hubad dahil confident na siya sa kanyang katawan.

 Matagal nang inaalok si Paolo na mag-pose ng sexy pero ngayon lang siya napapayag. Sayang nga naman kung hindi masisilayan ng madlang-people ang katawan na kanyang pinaghirapan.

 Ready na ba ang alaga ko sa mga sexy role. Oo pero depende sa budget. Ready na ba siya sa mga indecent proposal? ‘Yan ang hindi ko masasagot pero kung kilala ninyo si Paolo, siya ang tipo na hindi papatol sa kapwa lalake, even if the price is right. The price is right daw o!

* * *

Pink na pink ang mga outfit nina Ariel & Maverick sa presscon ng Bilib Ka Ba Nights. Masquerade ang pamagat ng Wednesday night show nina Ariel & Maverick pero wala silang suot na maskara nang makita ko sila.

 Wala akong idea kung tungkol saan ang show nila kaya aabangan ko ito sa darating na Miyerkules. ‘Yon eh kung hindi ako makakatulog nang maaga.

* * *

Showing ngayon sa mga sinehan ang Dobol Trobol ng M-Zet Films.

Bonggang-bongga ang premiere showing kagabi sa SM Megamall Cinema ng Dobol Trobol dahil dinumog ito ng fans, itsurang malakas ang ulan kahapon.

Sangkatutak ang problema ng ating bansa, lalo na ngayon na tumaas ang lahat ng bilihin at pama­sahe.

Kung gusto ninyo na malimutan nang pansaman­tala ang inyong mga problema, watch ninyo ang Dobol Trobol dahil nakakatawa talaga ang pelikula at ito ang kuwento sa akin ng mga nakapanood na sa pelikula nina Bossing at Mang Dolphy.

History sa showbiz ang pagsasama nina Mang Dolphy at Vic kaya hindi dapat palampasin ang kanilang pelikula.

 

 

vuukle comment

BELIEVE IT OR NOT

BILIB KA BA NIGHTS

CHRIS

DOBOL TROBOL

KUNG AKO IKAW

PAOLO CONTIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with