Aktor bopol nang magmemorya
Usap-usapan among the crew ng isang teleserye ang hinang magmemorya at hirap mag-deliver ng kanyang lines ang isang actor. Disappointed ang mga humahanga sa kanya’t hindi raw pala ito magaling gaya nang mga nasusulat.
Nasa mid-40s pa lang ang edad ng actor, pero tila may senior moment na siya at talo pa siya ng mga kasama sa cast ng teleserye na mas may edad sa kanya na matatalas pa ang memorya.
Brain food, brain vitamins at praktis lang ang kailangan ng actor at pasasaan ba’t, tatalas din ang kanyang memory at magagawa ng mas maayos ang kanyang trabaho.
* * *
Cleavage kung cleavage ang drama ni Yasmien Kurdi sa suot na red dress sa presscon ng Loving You. Dedma ito sa panunukso ng manager niyang si Lolit Solis na taba at hindi boobs ang 34 cup B niyang bumper. Hindi lang daw sanay ang kanyang manager na makita siyang may suso na.
“Akala ni ‘Nay Lolit 12 years old pa rin ako na pantay sa dibdib ko at boobs ko. Nagpalamas daw ba ako sa boyfriend ko? Nakakatawa, noong nasa Bakekang lang lumaki ang boobs ko at hindi ako nagpalamas at nagpalaki ng boobs,” natatawa nitong sabi.
May eksena sa movie na nag-two-piece si Yasmien at makikita ng fans na dalaga na talaga ang favorite leading lady ni JC de Vera. Pumayag na nga rin itong magpahalik at three times pa para sa first movie nila at sinasabing launching movie nilang dalawa.
Si Don Cuaresma na director ng ABS-CBN ang director ng Loving You, pero walang naging problema sa kanya ang talents ng GMA-7 na kinabibilangan nina Yasmien at JC.
“Para maiba naman. Sobrang perfectionist si direk Don at pati dubbing, present siya. Ang dami kong natutunan sa kanya,” sabi ni Yasmien.
Habang wala pa silang regular TV show, sa pelikula muna mapapanood ang tambalan nila ni JC. Sa August 20, na ang showing nito at sa Aug. 17, ang premiere night sa SM Megamall.
* * *
Wala si Richard Gutierrez sa Megathirty concert ni Sharon Cuneta at may shooting ng Codename: Asero. Hindi tuloy nito napanood ang mahusay na performance ni KC Concepcion sa duet nila ng ina at sa solo number nito na lumipad pa nang kantahin ang Imposible.
Wala rin si Ruffa Gutierrez at nasa Beijing para manood ng Olympics. Sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez lang sa Gutierrez family ang nakapanood at tiyak, ikinuwento nila ‘yun kay Richard.
Sabagay, para na ring nasa Araneta Coliseum ang leading man ni KC sa For the First Time dahil that night, suot ni KC ang matching necklace at bracelet nila ng actor. Nakita namin ‘yun nang i-close-up ang dalaga habang kumakanta. Ang naalala naming sinabi ni KC, siya ang bumili ng necklace at si Richard naman ang bumili ng bracelet.
Workaholic pa lang talaga si KC dahil after the concert, nag-dubbing pa ito sa Roadrunner at kahapon, nasa Tagaytay para mag-shooting ng movie nila ni Richard.
* * *
Napapanahon ang tema ng episode ng Dear Friend this Sunday na Date Rape dahil nababasa at napapakinggang inire-report sa TV ang tungkol dito. Guest si Glaiza de Castro as Joana na biktima ng pang-aabuso sa first date nila ni Benedict (Polo Ravales) na fake pala ang pagiging mabait.
Kasama rin sa episode sina Arci Muñoz, Chariz Solomon at Jelaine Santos. Sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin ang tagapagsalita ng programa.
- Latest