^

PSN Showbiz

Nag-iilusyon, Baron pangarap manalo sa Oscars

-

Gustong isipin ni Baron Geisler na tapos na ang delubyo sa buhay niya sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya ngayon. Gusto na niyang ayusin ang buhay niya para mas gumanda pa ang kanyang career.

Tuwang-tuwa ito sa nalamang imbitado sa 35th Brussels International Independent Film Festival  ang Torotot  na isa siya sa mga bida. Nabasa namin ang official invitation kay direk Maryo J. delos Reyes ni Robert Malengreau, general director of the festival, para maipalabas ang Viva Films movie sa filmfest na tatakbo mula November 4 to 9. Sa Aug. 20, naman ang showing nito dito, pero sa Aug. 9, ang special Director’s Cut screening  sa UP Film Institute.

 Nagpasaya rin kay Baron na ipalalabas and for competition sa Venice International Film Festival ang Jay, ang nagpanalo sa kanyang best actor sa 4th Cinemalaya.

 “Gusto kong manalo sa Venice. Gusto kong ma-nominate sa Urian dito sa Torotot  at Jay. Gusto kong gumawa ng movie sa Hollywood. I want to win an Oscar,” wika nito.

 Hindi itinanggi ni Baron na kinagat niya sa leeg si Maui Taylor sa isang eksena nila sa Torotot. In character lang daw siya at tumigil din nang marinig ang “don’t bite me” na pakiusap ng actress.

 Samantala, wish ni Baron na ma-drop na ang kasong isinampa sa kanya ni Patrizia Martinez. Bukod sa nakakatawa na raw, malaki na rin ang kanyang nagagastos.

 “I’m broke, P500 na lang ang pera ko sa bank. Mga P200,000 na ang nagagastos ko sa kaso at doon napunta ang talent fee ko sa Eva Fonda. Ang daming hassles,” amin ni Baron.

 Ano ang worst ending ng kaso?

 “Sabi ng lawyer ko, ‘di ako makukulong. Matalo man ako, under probation lang. But I doubt kung matatalo ako, strong ang case ko,” sagot nito.

* * *

 Isa pang loveteam na tampok sa Loving You  ng Studiomax, ay ang pareha nina Ehra Madrigal at John Prats.

Kinalimutan muna ng dalawa ang network war para mapasali sa magandang love story na mapapanood simula August 20, sa direksyon ni Don Cuaresma.

 Dahil magkaiba ng network, never pang nagka-trabaho ang dalawa.

Sabi ni John: “Nang malaman ko ang line-up ng cast, lahat taga-GMA. Mag-isa lang akong taga-ABS, pero okey lang, sexy naman ang partner ko. Medyo kinabahan ako sa first shooting days namin.”

 Isang taxi driver sa movie si John, siya si Alex na naging suki ni Bry (Ehra) na call center agent naman.

Malalaman kung happy ang ending nila, kung panonoorin ninyo ang pelikula sa nabanggit naming playdate. Sa Aug. 17, naman ang premiere night nito sa SM Megamall.

* * *

 Si Maxene Magalona ang pumalit kay Iza Calzado sa Una Kang Naging Akin, ang next featured sa Dramarama sa Hapon  at papalit sa Magdusa Ka. Sa presscon nito pa natin malalaman ang reaction ng actress na hindi siya ang original choice for the role.

 Kasama rin sa cast si Angelika dela Cruz na gaganap sa role na ginampanan ni Dawn Zulueta sa movie version nito at ibig sabihin, role ni Sharon Cuneta ang napunta kay Maxene.

 Nasa cast din ang mag-ex na sina Alfred Vargas at LJ Reyes na kung kailan break na, saka pa pinagtambal. Professional ang dalawa at willing silang gumawa ng kissing scenes kung nasa script at kung kailangan sa eksena. Si Joel Lamangan ang director nito. (Nitz Miralles)

vuukle comment

ALFRED VARGAS

SA AUG

TOROTOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with