Sa launching ni Dingdong Dantes, Dra. Belo tinawagan ni Annabelle Rama
Tinawagan pala ni Ms. Annabelle Rama si Dra. Vicki Belo last Sunday habang nagpa-party ang lahat para sa launching ni Dingdong Dantes as the newest endorser ng Belo Shape. Isang staff ang nakarinig sa telephone conversation ng dalawa at tinatanong pala ni Tita Annabelle kung bakit hindi kinukuha ni Dra. Vicki si Richard as Belo endorser. Ang say daw ng sikat na doktora sa kabilang linya ay dahil endorser na si Richard ng sister company nilang Flawless.
Tinanong din daw particularly ng mommy nila Ruffa kung kasing laki rin ba ng billboard ni Ruffa ang magiging billboard ni Dingdong.
Ha ha ha! Pag talaga nanay ka, gagawin mo ang lahat para sa anak.
Super laki raw kasi ng billboard ni Ruffa somewhere in Ortigas na ayon sa isang observer ay mas dapat yatang pagtuunan ng pansin ni Tita Annabelle dahil hindi masyadong maganda ang lugar na pinaglagyan nito. “Dapat ‘yun ang sabihin niya kay Vicki na ipalipat ng lugar.”
Sadly, hindi ko pa nakikita ang nasabing billboard.
Anyway, speaking of Dingdong. Masyadong magarbo ang launching niya sa Belo. Mai-insecure kahit si Billy Crawford na sa Annabel’s restaurant lang at walang ganung party nang i-launch
James Bond ang theme ng launching ni Dingdong with matching Side A band na nag-perform at bongga rin ang mga pa-raffle.
Panahon talaga ni Dingdong. Kung sabagay, isang beterana sa showbiz ang nag-predict
- Latest