Marian pinaghahandaan ang sayaw sa kama
Yes, Marian Rivera has decided to go a bit sexy sa kanilang free concert ni Dingdong Dantes sa August 27 sa Araneta Coliseum. Dahil mas kilala sa kanyang pagiging isang mahusay na dancer, bukod siyempre sa kanyang pagiging isang mahusay na aktres, mas itatampok sa kanyang husay sa pagsasayaw na tatangkain namang pantayan ng kanyang leading man sa Dyesebel na si Dingdong, na katulad niya ay nagdiriwang din ng kanyang birthday sa buwang ito.
Hindi man sila magkaparehong araw ng kapanganakan, August 2 si Dingdong at August 12 naman si Marian, pinagsasabay na ang selebrasyon nila sa pamamagitan ng sunud-sunod na guestings sa mga programang Songbird, SOP at marami pang ibang palabas ng GMA 7. Ito ngang concert nila sa Araneta ay isa ring selebrasyon at tribute na rin sa kanilang mga tagahanga na walang sawa ang suporta sa kanila.
Kung ano’ng sayaw ang gagawin ni Marian, na sinabing sa
Huwag nang pag-awayin sina Dingdong Dantes at Richard Gutierrez dahil magkaibigan sila at parehong inaalagaan ng GMA. Bakit ba hindi eh, ang dalawa ang itinuturing na pinakasikat na artistang lalaki ng Siete, kaya gusto silang pabagsakin ng mga kalaban nila. At ang pinaka-magandang way ay ang mapag-away sila.
Sabi ni Dingdong, dahil ang dami-daming nagtatanong kung hindi ba raw siya nagkakaro’n ng feelings kay Marian, sobrang magkaibigan silang dalawa at sobrang komportable sa isa’t isa kung kaya hindi nila naiisip iyon at nararamdaman.
Smooth sailing ang kanilang tandem. Isa pa maligaya naman si Dong kay Karylle at kapuri-puri na nagagawa nilang ihiwalay ang kanilang relasyon sa kanilang career.
At si Marian naman, ang maganda bang babaeng katulad niya ay mananatiling loveless? I’m sure meron din siyang iniibig ng lihim kundi man itinatago. Pabayaan na lamang natin siya sa kanyang pribadong buhay. Ang mahalaga, hindi naman apektado ang kanyang professional life.
Eto pa ang isang iniintriga, porke ba sobra siyang sikat. Intrigahin ba naman dahil napatungan siya ni Marian bilang No.1 sa isang babasahing pang-lalaki? Eh pana-panahon lang ’yan. Sino ang makapagsasabi, baka next time makuha niya muli ang unang puwesto?
* * *
Kesa padala sa intriga, magpasalamat na lamang si Katrina Halili na bida siya sa dalawang malaking pelikula ng OctoArts Films, ang Miss X na sa
Balitang milyon ang kontrata ni Katrina sa OctoArts. O, ’di ba masaya ito? Pwede nang pag-aksayahan ng panahon at ’di ang mga walang kakwenta-kwentang intriga na naglalayong pasamain lamang ang kanyang loob at gusto siyang pabagsakin.
- Latest