^

PSN Showbiz

Singer/actress binantaan ng nanay dahil sa BF

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Panalo talaga ang isang palabas basta bata na ang pinupuntiryang manonood. Tulad ng Varga, ang bagong serye ng ABS-CBN na halaw sa mga kuwentong komiks ng magaling na nobelistang si Uncle Mars Ravelo.

Sa unang kuwadro pa lang ng pinagbibidahang serye ni Mariel Rodriguez ay hawak na agad nito sa leeg ang interes ng mga bata, nakaupo talaga sila sa harap ng telebisyon, makakausap mo lang sila kapag may commercial break.

Nahuli ng Varga ang kiliti nina Totoy at Neneng, ang mala-cartoons na pagbubukas ng mga eksena na lalo pang naging interesante, dahil sa magaganda nilang visual effects, bentang-benta talaga sa mga bata ang mga kuwentong super hero ang kanilang pinanonood.

Mula sa isang planeta ay napadpad sa Earth si Vara, malinaw sa pagsisimula ng kuwento na nakaprograma nang maplakado niya ang buhay at lengguwahe ng mga taga-Earth, na ang sentrong karakter naman ay sina Dominic Ochoa at Angel Sy na gumaganap sa papel ni Olga.

Wala pang gaanong dayalog si Mariel sa unang episode ng Varga, pero maaasahan din pala ang dalagang TV host sa mga seryosong eksena, kaya rin pala niyang magseryoso sa kabila ng kanyang pakikay na imahe.

Sa simula lang siguro yun dahil sa mga sumunod niyang eksena ay pakikay na rin ang kanyang pagganap, palaging sila ni Olga ang magiging magkaeksena sa mga susunod pang Sabado, na ngayon pa lang ay inaabangan na ng mga bata.

Ang barometro namin sa nagtatagumpay na serye sa telebisyon ay ang mga bata, kapag sa una pa lang ay nagkainteres na sila sa palabas, asahan mo nang tututukan nila yun hanggang sa huli.

Nung unang episode ng Varga ay sinilip namin si Bulak, ang mahigit na dalawang taon naming ‘anak,’ parang wala itong kilala sa kanyang paligid habang pinanonood ang eksenang lumilipad-lipad si Mariel.

Kapag may patalastas lang tumitingin sa iba si Bulak, pero kapag Varga na ay wala na naman itong kilala, nagtagumpay ang tropa ni Deo Endrinal sa kanilang atake sa unang sultada ng palabas.

Mabibilis din ang mga eksena, hindi tamad ang mga direktor nito, dahil walang babad na babad na sitwasyong alam mo namang pinahahaba lang para makarami sila ng trabaho.

Malinaw ang iskrip nina Joel Mercado at Danica Domingo, hindi na nagtanong ng kung anu-anong bakit ganyan at bakit ganito ang mga bata, dahil sa simula pa lang ng kuwento ay nailahad na ang mga sagot sa mga inaasahan nilang tanong ng mga batang manonood.

May katwiran naman palang mag-text si Mariel Rodriguez para tutukan ang pinagbibidahan niyang serye, naalagaan nang husto ni Direk Trina Dayrit ang kanyang mga anggulo, ang inaabangan naman ngayon ng marami ay ang pagtatagpo nila ni Zanjoe Marudo sa mga susunod na eksena ng Varga.

Maligayang bati sa kanilang creative manager na si Rondel Lindayag, sa mga naglapat ng visual effects at sa bagong bayani ng mga bata na si Mariel Rodriguez.

* * *

Tototo kayang nagsalita na ang ina ng isang singer-actress na kung hindi niya lalayuan ang kanyang karelasyon ay silang mag-ina na ang magkakalimutan?

Marami yatang naninira sa boyfriend ng singer-actress, kung anu-anong kuwento ang nakararating sa kanyang ina tungkol sa diumano’y panggagamit lang sa kanya nito, hindi pa man napatutunayan kung totoo ang mga impormasyon ay naniwala na agad sa mga kuwento-kuwento ang kanyang nanay.

May kinalaman sa pananalapi ang mga paninira sa aktor, kesyo magaling daw itong mambola, kaya lumalarga ang singer-actress sa lalaki sa usapin ng pera.

Pagkontra naman ng mga nakarinig sa kuwento ay paano mangyayari yun, napakakuripot ng singer-actress na ito, ang mismong mga kaibigan nga niya ay hindi mapaniwalang nangyari at mangyayari yun dahil super-makunat nga raw ang babae.

 “Si ____ (pangalan ng singer-actress)? Juice ko! Ang sarili nga niya, e, tinitipid at pinagdadamutan niya, ibang tao pa kaya ang makapambolang gastusan niya?” komento ng marami.

ANGEL SY

BATA

DANICA DOMINGO

LANG

MARIEL RODRIGUEZ

VARGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with