^

PSN Showbiz

Ayaw ng anak, Piolo gusto nang magpakasal

- SEEN SCENE -

SEEN: Wala si Karylle sa joint birthday celebration sa SOP nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Ipinakita lang ang VTR birthday greetings ni Karylle para sa kanyang boyfriend. Naging mapagbigay si Karylle para sa loveteam nina Dingdong at Marian. ‘Yan ang wagas na pag-ibig.

SCENE: Pumalo sa 27.2% ang rating ng Gaano Kadalas Ang Minsan noong Huwebes. Ang 27.2% rating ng Gaano Kadalas Ang Minsan ang pinaka­maatas na rating sa lahat ng mga pang-hapon na programa ng GMA 7.  Hindi na puwedeng i-claim ng Magdusa Ka na ito ang highest rating afternoon show ng GMA 7.

SEEN: Ang magagandang reviews sa A Very Special Love na nakatulong upang lalong pilahan sa takilya ang pelikula nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo. Kung hindi magbabago ang box-office trend ng A Very Special Love, sina Sarah at John Lloyd ang strong contender sa Box-Office King & Queen title sa susunod na taon.

SCENE: Isang government official ang interesado na makilala si Pauleen Luna. Nabuhayan siya ng loob na ligawan si Pauleen nang malaman niya na hiwalay na ang young actress sa boyfriend nito, si Valenzuela City Mayor Sherwin Gatchalian.

SEEN:  AJ Dee na namimili ng mga sale item sa isang boutique sa Podium noong Biyernes. Matamlay ngayon ang takbo ng showbiz career ni AJ ngunit mapalad pa rin dahil napapanood siya  sa Camera Cafe, ang intellectual short comedy show nina Jeffrey Quizon, Joy Viado at marami pang iba.

SCENE: Ang rebelasyon ni Senator Alan  Peter Cayetano na magtatagal pa ng apat na buwan sa New York ang kanyang kapatid na direktor, si Lino Cayetano. Nag-aaral sa New York si Lino upang madagdagan ang kanyang kaalaman tungkol sa filmmaking.

SEEN: Ang pagtatapat ni Piolo Pascual na iniisip na niya na magpakasal ngunit tutol pa ang kanyang anak na si Iñigo. Responsableng tao si Piolo. Mapalad ang babae na pakakasalan niya.

A VERY SPECIAL LOVE

BOX-OFFICE KING

CAMERA CAFE

GAANO KADALAS ANG MINSAN

KARYLLE

NEW YORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with