Judges ng PI ‘di marunong pumili?
Hindi lamang naman si Zanjoe Marudo ang sinuswerte ang career ngayon, six days a week siyang mapapanood sa TV, weekdays sa Dyosa at Saturdays naman sa Varga, kundi pati ang girlfriend niyang si Mariel Rodriguez. Ito ang napili para gampanan ang role ng pinakabagong superheroine na magsisimulang mapanood sa Agosto 2, kapalit ng Kapitan Boom.
Si Varga ang pinagsanib na katauhan nina Vara (Mariel) at Olga (Angel Sy). Si Vara ay isang prinsesa mula sa ibang planeta na mapipilitang iwan ang kanyang planeta dahil sa may digmaang nagaganap dito. Dahil sa impact ng kanyang landing, magkaka-amnesia siya.
Si Olga naman ay isang bata na tanging nakakakita at nakakarinig kay Vara. Pangarap nito’ng manalo sa isang beauty contest para maging proud ang kanyang ama (Dominic Ochoa) sa kanya. First time ito na magkakatambal ang magdyowa.
Ang Varga ay ikatlo sa serye ng Komiks Presents Mars Ravelo. Nauna na ang Lastikman at Kapitan Boom.
Inamin ni Mariel na nagpapayat siya for her role dahil ayaw niyang malait. Magagamit din niya sa serye ang kanyang martial arts training na kinuha pa niya
“Nag-workshop din ako for my role,” imporma ng TV host nang sabihin ni Zanjoe na itinuturing niyang lucky charm niya ito.
Ang direksyon ay pagtutulungan nina Trina Dayrit at Dondon Santos.
* * *
Mukhang inuubos na yata sa kauna-unahang search for the Pinoy Idol ang lahat ng magagaling kumanta at itinitira na lamang yung mga so-so singers. Nakakatakot na baka dumating ang finals at ang dalawang maghaharap sa face off ay ang pinaka-least na magaling sa kanila. Huwag naman
Marami ang nagulat, namangha, nagalit, na-disappoint noong Linggo nang ang matanggal ay isa sa hinuhulaang magbibigay ng malakas na laban sa finals, ang pinakabatang hopeful, si Penelope ng Batangas. Dahil na naman ba sa kakaunti ang nag-text para sa kanya?
Sayang na mayro’n pang pinauupong mga judges kung hindi naman sila nasusunod at ang tanging ginagawa na lamang nila ay pumili ng mga contestants pero sa pagpili ng winners ay wala naman silang say. O baka naman ang natitira ay choice din nila, well in that case, ’di rin sila marunong pumili.
* * *
At parang nakokumpirma ang hinala ko dahil sa trailer ng pelikula ay napaka-natural naman ng akting niya. In fact, kilig na kilig ang mga kapitbahay kong bagets sa romansa nila ni Lloydie, kahit alam nila na hanggang sa harap ng kamera lamang ito at si Lloydie ay spoken for na. It’s either totoo nga ang hinala ko o magaling nang artista si Sarah.
* * *
Talagang pinagkaguluhan ang mga young stars ng My Girl (weeknights sa Primetime Bida sa ABS-CBN) kahit saan sila pumunta. Kakabalik lang ng mga bagets mula sa kanilang three-day shooting sa Baguio at mukhang mas nagkamabutihan sina Gerald Anderson at Kim Chiu, na ikinakilig naman ng mga taga-Baguio.
Sabay din naman ng taping ng buong cast, kasama sina Alex Gonzaga, Enchong Dee, Niña Jose, Regine Angeles at David Chua, ay isinalang na rin sa taping sa Maynila ang mga PBB Teen housemates na sina Nicole Uysiengsu, Robi Domingo at Josef Elizalde kasama ang feeling-young din na Tita Nena nila, played by Keanna Reeves.
Para sa ibang updates sa My Girl, mag-log on lang sa www.abs-cbn.com. at mygirl.multiply.com.
* * *
Aside sa kotse na mapapanalunan ng studio contestant, may P1M na naghihintay para sa homeviewer, kung sino ang unang maka-black out using the first 18 numbers na mapipili ng studio contestant.
- Latest