^

PSN Showbiz

AiAi magto-two piece!

-

Bukam-bibig ni AiAi delas Alas ang pangalan ng singer na si Richard Poon, crush niya ito’t tsinito kasi na siyang type niya sa mga guys. Isa iyon sa mga rason kung bakit ni-request niya sa mga producers ng show niyang Tanging Ina…The Concert na kuning guest ang singer kasama ni Erik Santos.

Gaganapin ang concert sa Zirkoh Timog, sa August 2, at manood daw para malaman kung hihipuan niya ang singer na first time niyang makakasama. Guest din ang Sexbomb at back-up niya ang Superstar, grupo ng mga bading na stand-up comedians/singers.

Nalaman namin kay AiAi na hindi pa tapos ang shooting niya ng Star Cinema movie at entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na Ang Tanging Ina N’yong Lahat, kung saan gagampanan niya ang role ng presidente ng bansa. Bukod doon, may eksena siyang naka-two-piece na ngayon lang niya gagawin sa kanyang pelikula.

“Sabi kasi ni direk Wenn Deramas, suwerte ang movie namin kung nagpa-panty ako at may rason kung bakit nag-two-piece ako. Malaki ang boobs ko, 34 cup D ako, kaya sa Victoria’s Secret pa ako bumibili ng bra at panty. Bawal akong piktyuran sa shooting, kinuha ang cellphone ng lahat na nasa set, kaya ’di kakalat ang litrato ko,” paniniyak ni AiAi.

Nabulilyaso ang guesting ni Kris Aquino sa nasabing pelikula, sina Boy Abunda at Cristy Fermin ay may cameo role at iniimbitahan si Batangas Gov. Vilma Santos na mag-guest. 

Thankful si AiAi na hindi sa MMFF showing ang movie nina Dolphy at Vic Sotto, dahil kung nagkataon, makikiusap siya sa Star Cinema na iatras ang showing ng movie niya. Respeto niya sa dalawa, kaya ayaw niyang sabayan ang pelikula ng mga ito.

* * *

Masaya na ang presscon ng ITALY, mas pinasaya pa sa kalukahan ni Eugene Domingo na tumihaya with open legs, bilang reaction nang piliin si Mark Herras over Edgar Allan Guzman at Dennis Trillo na gusto niyang maka-dyug. Lalo sigurong nakaka­tawa ang mapapanood sa GMA Films movie na mapapanood starting September 17.

Nakakuwentuhan namin si Mark after the general presscon at ibinalitang gumawa siya ng indie film, habang wala pang bagong TV show sa GMA 7. Tinapos nito ang Sapi kasama si Aiza Marquez at kahit five days lang silang nag-shooting, triple raw ang effort niya para mapaganda ang kanyang acting.

Samantala, nabalitaan na ni Mark na nasa hospital si Jennylyn Mercado na ginagamot para hindi manganak ng hindi pa niya due date. Sa August 22, pa siya naka-schedule magsilang, pero may pre-term labor contractions daw ito at kailangan ng financial help. Ready ba siyang tulungan ang ex-girlfriend?

“Willing akong tumulong, before pa naman, tumutulong ako sa kanya. Kahit anong tulong, basta makakaya ko. Sana, okay ka Jen, sabihin mo lang kung kailangan mo ng tulong. Kakausapin ko ang mga kaibigan natin sa StarStruck para matulungan ka,” sabi ni Mark.

Hindi alam ni Mark kung puwedeng dalawin si Jennylyn, kaya pagka-panganak na lang daw siya bibisita. Umiiwas din siya’t na-isyu dati na babantayan niya ito sa panganganak, gayung ang sinabi niya ay dadalawin niya ito.

* * *

Sa Ako si Kim Sam Soon, muling nasaktan at nagalit si Kim (Regine Velasquez), dahil pagkatapos siyang halikan ni Cyrus (Mark Anthony Fernandez), sinabihan siyang kalimutan ang halik.

Ikinuwento ni Chef Dina (Eugene Domingo) kay James (Marky Lopez) na may iba pang Hannah sa buhay ni Cyrus, siya ang babaeng nang-iwan sa binata. Tinanong din ni Chef Dina si Cyrus kung ang ex-girlfriend ang dahilan kung bakit hindi niya kayang mahalin si Sam Soon.

Sa episode this Wednesday ang dating ni Hannah (Nadine Samonte) ay magdudulot ng sama ng loob at mananakit kay Kim. (NITZ MIRALLES)

AIZA MARQUEZ

CHEF DINA

EUGENE DOMINGO

KUNG

NIYA

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with