Kris at Banker maglalaro uli sa KDOND
Mapapasakamay muli ng contestant ang desisyong babago sa buhay simula ngayong Lunes (July 28) sa pagbabalik ng inaabangang game show na hinangaan hindi lamang sa bansa kung hindi pati na rin sa buong mundo, ang Kapamilya Deal or No Deal.
Tunghayan muli ang host na si Kris Aquino kasama si Banker at ang naggagandahang 26K Girls sa isa na namang edisyon na punung-puno ng excitement, kaabang-abang na celebrity at non-celebrity players at tumataginting na P2 million na maaring ipamigay gabi-gabi.
Isang bago at bonggang-bonggang set ang bubungad sa inyo kasabay na ng mga bagong miyembro ng 26K Girls at drum and bugle band na kung tawagin ay Parokya ni Banker.
Samantala, maaari uling sumali at manalo sa Kapamilya Deal or No Deal Text Promo simula Aug. 4 sa pamamagitan lamang ng pag-text sa 2366 ng ABS-DEAL kung sa tingin mo mas mataas ang huling offer ni Banker sa nilalaman ng napiling briefcase ng studio player o ’di kaya’y ABS NODEAL kung sa tingin mo naman ang nilalaman ng briefcase ang mas mataas sa huling offer ni banker.
Gabi-gabi ay maaaring magwagi ng P20,000 ang mapalad na mapipili depende na rin kung alin ang mas mataas na halaga, at buwan-buwan nama’y P200,000 ang ipamimigay.
Noong nakaraang season, mahigit P33 million in cash prizes ang naipamigay, walo sa studio players nito ang umuwing milyonaryo.
Kamakaila’y naging co-host si Kris sa Deal or No Deal – Around the World Philippines sa NBC sa US kasama ang American host na si Howie Mandel kung saan milyun-milyong manonood sa America ang nakatutok upang makita kung paano nilalaro dito sa Pilipinas ang kanilang hit game show.
- Latest