^

PSN Showbiz

Newcomer inulan ng papuri at dolyares!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

I’m sure isang karanasan na hindi na malilimutan ng aking alagang si Jake Vargas ang nakaraan niyang biyahe sa US at Canada.

 Katulad ng ginawa ko noon kina Isko Moreno at Romnick Sarmenta, isinama ko rin si Jake sa aming biyahe sa US at Canada. Gusto ko rin na ma-enjoy niya ang pangarap ng maraming kabataan na makita ang Disneyland. Hindi lang ito ang napuntahan niya, nakita rin niya ang Universal Studios at Hollywood.

 Sa Canada, nagkaro’n kami ng tatlong shows na parang That’s Entertainment. Ang haba ng titulo ng show, That’s Entertainment in Canada with the Master Showman of Walang Tulugan. Nakasama ko sa show sina John Nite, Tirso Cruz lll at ang anak nitong si Bodie Cruz na dating isang Pinoy Big Brother housemate. Hindi talaga kasama sa show si Jake, tinawag ko lamang siya, yun pala, siya ang titilian at pagkakaguluhan ng mga bagets sa audience sa Vancouver, Hamilton at Toronto, Canada.

 Talent show o contest ang aming isinagawa among Pinoys na mayro’n ding dugong foreigner. Five thousand Canadian dollars ang napanalunan ng pinakamagaling na contestant.

 Bago nag-perform si Jake, nasabi ko na may sakit na cancer ang mother niya, hindi ko inaasahan na mayroong isang couple na lumapit at nag-donate ng three thousand Canadian dollars. Ayaw ko sanang ipatanggap kay Jake dahil hindi naman yun ang intensyon ko nang sabihin ko ang sitwasyon ng kanyang ina pero, gusto ng mag-asawa na tulungan siya kaya sino naman ako para tumanggi, eh hindi naman sa akin ibinibigay.

Nung July 9, 15th birthday ni Jake, binigyan siya ng dinner ng pamilya ni John Nite at pamilya ko rin. Dun sa bahay nina John ito ginanap. Aside from the dinner, pinagbibigyan  din nila si Jake ng cash gifts which amounted to 1,800 Canadian dollars. Ibibigay ni Jake ang pera na umabot ng P100,000 sa kanyang ina pag-uwi niya at nagbigay din siya sa kanyang mga kapatid.

* * *

Na-interview ko sa Canada sina Joey Albert at Alice Dixson. Pareho silang naninirahan sa Vancouver kasama ang kanilang mga pamilya. Okay ang buhay nila at masaya sila dun bagaman at paminsan-minsan ay nami-miss nila ang ‘Pinas. Abangan n’yo ang interview ko sa kanila sa Walang Tulugan.

Napapanood nga pala sa US ang Walang Tulugan tuwing Sabado, 1NH at Linggo, 1 ng madaling araw. Hindi na ako  nagtaka na marami ang nakakakilala sa akin na mga Pinoy sa Hollywood. Panay ang pakuha nila ng picture with me at nagpapirma rin ng autograph.

Sayang at wala talaga akong oras dahil nung maglakad kami sa isang mall sa Vancouver ay nakita kong palabas ang Caregiver ni Sharon. Gustuhin ko mang panoorin ang pelikula, di puwede. Ewan ko kung alam ni Mega pero, hintay nang hintay sa kanya ang mga Pinoy sa sinehan na pinaglalabasan ng movie niya.

* * *

Nagpapasalamat nga pala ako sa lahat ng sumuporta’t nanood ng Paupahan (Crossroads). Kumita naman daw at pawang magagandang reviews ang ibinigay ng mga critics. Wala ako rito nang ipinalabas ang movie, buti na lang nakadalo pa ako sa premiere night.

* * *

Kababalik ko pa lamang nang marinig ko ang away (daw) nina Claudine  Barretto at Angel Locsin. May kinalaman yata ito sa kung sino sa kanilang dalawa ang drama princess ng kanilang network. Nasa iisang network lang sila, dapat di na sila pinag-aaway pa dahil di ito healthy.

CITY

COUNTRY

JOHN NITE

PLACE

REGION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with