Susan realistic ang atake sa role
Hello, last Wednesday pa ako dumating, live yung radio show ko at hindi taped. Kahit hinawakan yun ni Shalala, hindi ko naman pinabayaan. Palagi ko siyang tinatawagan para magbigay ng update.
O, kamusta na, na-miss n’yo ba ako? Ako na-miss ko kayo. Kahit ako’y nasa malayo, palaging dito sa atin ang isip ko.
Na-miss ko ang traffic, yung kalituhan sa mabilis na pagpapabagu-bago ng presyo ng langis. Yung mga ganitong problema is something na nagbibigay ng ehersisyo sa utak ko. Sa pag-alala ko sa mga lubhang maaapektuhan, gumagana ang utak ko, hindi nababakante.
* * *
Sa isang late-night show ng GMA 7 na napanood ko, pinabilib ako ng mga kabataang guests na nagbibigay ng kanilang mga opinyon at kuru-kuro tungkol sa mga kasalukuyang isyu, yung tungkol sa pag-alis ng maraming Pinoy para magtrabaho sa ibang bansa at kung paano sila sa mga kasalukuyang problema ng bansa.
Hanga ako sa kanila dahil marurunong sila. Ang mga katulad nila na may pagmamahal sa bansa ang dapat makaimpluwensya ng mga katulad nilang kabataan para sa ating kaunlaran. Nakapanghihinayang lamang na ang napakalaking bilang nila, 60% of the entire population, ay hindi nagkakaisa-isa, para makagawa ng kinakailangang pagbabago.
* * *
Binabati ko si Manny Pacquiao sa napakagandang gesture na ginawa niyang pamamahagi ng mga tulong sa mga sinalanta ng bagyo sa
* * *
Pinanday na ng panahon ang kagalingan sa pag-arte ng kumare kong Susan Roces.
Ang galing niya sa Iisa Pa Lamang bilang lola ni Claudine Barretto.
At kahit deglamourized siya sa lahat niyang eksena, okay lang sa kanya basta magawa lamang niyang reyalistiko ang kanyang role.
Wala nang duda sa kahusayan ng Queen of Philippine Movies.
Inamin ni Mareng Susan na talagang na-excite siya sa kanyang role.
Bukod sa magandang kuwento, nakakatrabaho niya ang ilan sa pinakamahusay nating artista.
- Latest