^

PSN Showbiz

Polo ‘nakauna’ sa love scene kay Jean

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Pagkatapos magbayad ng malaking hospital bill, ayaw nang magkasakit ng isang magaling na actress. Imagine naman, almost P400,000 ang binayaran nito sa more than one month na pagkaka-confine sa hospital na ang pinag-ugatan ay depression.

Nawindang ang ina ng actress nang makita kung magkano ang kanilang ba­bayaran at nagbirong maraming mabi­biling gamit ang malaking halaga. Nang maka­labas ng hospital, pabiro nitong pinaki­usapan nito ang anak na ‘wag nang mag­kakasakit para hindi na nila maulit ang pagbabayad nila ng malaki sa hospital.

* * *

Parehong naka-black ang suot nina Jean Garcia at Polo Ravales sa presscon nila para sa pelikulang Loving You ng Regal Entertainment, kaya hindi napigilang tuksuhin sila ng press na kahit hindi sila sabay dumating sa Imperial Century Suites, pinag-usapan naman kung ano ang isusuot na siyempre, kanilang itinanggi.

Sa presscon, inamin nina Jean at Polo na kung iba ang kanilang nakapareha, hindi nila gagawin ang kissing scene at love scene na mapapanood sa pelikula.

Ani Jean: “Nagdalawang-isip ako kung gagawin ang love scene, pero nang sabihin nilang si Polo ang makakasama ko, why not? He’s a good friend, kaya may shower scene rin kami at nag-bare ako ng back ko.”

Sabi naman ni Polo: “Tinanggap ko ang movie, dahil kay Jean at komportable akong siya ang ka-love scene ko’t nagawa na namin ’yon sa La Vendetta. Kung masarap humalik si Jean? Oo naman.”

Ang biruan tuloy, si Polo ang naka-devirginized kay Jean sa big screen, dahil never pang nakipag-kissing scene at nakipag-love scene ang actress sa mga nauna niyang pelikula.

Showing sa August 20, ang movie sa direksyon ni Don Cuaresma na isa rin sa mga rason kung bakit tinanggap ni Jean ang pelikula. Nangako si Mother Lily (Monteverde) na bago dumating ang playdate ng movie, papalitan ang poster nito para maayos ang billing nina Jean at Polo. Sa poster ngayon, 75 percent lang ang laki ng kanilang mga pangalan at mas malaki ang names nina JC de Vera at Yasmien Kurdi na mas junior sa kanila, lalo na kay Jean.

* * *

Nakausap namin si Jolina Magdangal sa Result Night ng Pinoy Idol (PI) noong Sunday, kung saan ang rakistang si Toffer Rei ang na-eliminate. Ipinarating namin sa kanya ang reaction ng mga fans ni Gabby Concepcion sa sinabi niyang she’s sorry for him, dahil sa kontrobersya ng  ini-endorse nitong Lucida.

May mga nagalit sa kanya at kung anu-ano ang mga sinabi laban sa kan­ya. Iyon bang hindi naman sila involved sa isyu nina Jolina at ni Gabby, pero ang reaction ay parang sila ang tinamaan at nasaktan.

“Hayaan na natin sila. Ang feeling ko, ang iba’y ’di binabasa ang buong article at sa headline lang bini-base ang reaction. Ang iba nama’y, makapag-post at makapag-react lang. Hindi ko na binabasa ang naka-post at tama na ang una kong sinabi,” wika nito.

Inalam din namin kay Jolina kung bakit naurong sa September ang show­ing ng ITALY na dapat ay sa August na ang playdate ng GMA Films movie?

“Ang daming makakasabay na malalaking Hollywood movies. Inaayos pa rin ang script sa dubbing sa voice-over na gagawin ko,” maiksi nitong sagot.

* * *

Pitong PI hopefuls na lang ang natitira sa pagkaka-tsugi ni Toffer Rei sa singing competition noong Sunday. Kung magaling naman talaga, kahit out na sa contest, pwedeng sumikat pa rin.

Magbubunutan sina Gretchen Espina, Jayann Bautista, Penelope, Ram Chaves, Daryl Celis, Warren Antig, at Kid Camaya kung sino sa kanila ang kakanta ng mga songs ng Cueshe, 6 Cyclemind, Southborder, Freestyle, Itchyworms, Brownman Revival at Pupil.

ANI JEAN

BROWNMAN REVIVAL

DARYL CELIS

JEAN

KUNG

TOFFER REI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with