^

PSN Showbiz

Tulong sa Movie Industry

-

Dahil sa sobrang tumal na talaga ng pelikulang Tagalog, maraming pulitiko na ang nag-iisip kung paano pa matutulungan ang pelikulang Tagalog.

Kasama sa mga pursigido ay si Senator Chiz Escudero na kung maaaprubahan daw sa Kongreso ang panukalang batas na magbibigay sa local movie industry ng mga tax relief ay makakabawi ito. Say ni Chiz, paulit-ulit na ang sinasabi ng iba na ilang taon nang matamlay ang local movies kaya sinasabing mahihirapan na itong makabangon. At kung hindi makapagbibigay ng sapat na suporta ang pamahalaan, maaring magkaka-totoo ito at tuluyan nang mawala ang industriya ng pelikula sa bansa.

Kaya nga raw umaasa ang bagets na senador na mag­kaka­roon ng sapat na suporta ang movie bill na itinutulak nila ngayon sa Senado.

Nasa Kongreso pa lang daw si Chiz ay naipangako na niya sa kanyang mga kaibigan sa showbiz na gagawan niya ng paraan na makalusot ang movie bill na kung ilang dekada nang ipinaglalaban ng mga taga-industriya. Naimungkahi na niya ang bagay na ito sa kanyang mga kasamahan sa Kongreso noon, pero matagal nang naantala ang usapin tungkol sa industriya ng pelikula sa bansa at napapanahon na sigurong matugunan ng mga mambabatas.

Binigyan pansin din daw ni Escudero ang mga trans­national companies sa bansa na nabibigyan ng tax holidays habang ang pinapatay naman ay mga industriyang katulad ng pelikulang Pilipino.

Ipinaliwanag ng senador na ang malaking kita ng mga foreign films ay inilalabas ng bansa, samantalang ang kita ng local movie industry ay nanatili lang sa local industry ng pelikula.

Dagdag pa niya na ang kabilang sa mga tax na kargo ng local movie industry ay ang 30-percent amusement tax, 5-percent withholding tax sa film share ng mga producer, at ang 32-percent corporate income tax.

“At kung hindi pa sapat na pabigat ang mga tax na yan, idinagdag ang 10 percent na value added tax,” patuloy ni Escudero.

Bilang chairman ng committee on ways and means, siniguro ni Escudero na kabilang ang movie bill sa mga priority nito. “Gaya nang nangyari sa kapapasa lamang na tax exemption bill sa mga minimum wage earners, iko-consolidate namin ang mga bills na naka-refer na at ire-refer pa sa ilalim ng komite at titingnan kung anu-ano nga bang magagandang puntos sa mga iminungkahing batas ang makabubuti sa industriya ng pelikula.” 

Si Cong. Irwin Tieng naman, galit sa mga mamboboso.

Naging biktima noon ang mga aktres na sina Maui Taylor at Sunshine Cruz ng mga malilisyosong gawain nang ipalabas sa publiko ang kanilang mga hubad na litrato at video. Matatandaan na inireklamo at iniyakan ito ng dalawa.

 Dahil nga sa trauma ng mga nangyari, halos nag-retire na ang dalawa mula sa showbiz.

 Sa paglipas ng panahon, maraming Pilipino na ang may mga recording device at halos lahat na ay may access sa internet. Ito ang nagtutulak sa mga malilisyo­song tao na pagsamantalahan ang ibang tao gamit ang internet at mga video at litrato na ina-upload nang walang paalam.

 Kaya naman, ipinanukala ni Cong. Irwin Tieng ng Buhay Partylist sa 14th Congress na ipasa ang House Bill o Cyber Boso Bill, na nagbabawal at nagpa­parusa sa pagre-record at pagpapalabas ng mga litrato at video na nagpapakita ng maseselang gawain na walang permiso mula sa mga taong kinunan.

 “Obligasyon ng estado na pangalagaan ang dignidad ng mga tao nito,” saad pa ni Cong. Irwin. “Bilang mga mambabatas, ginagawa namin ang lahat para maprotektahan ang estado at ang mga taong kabilang dito.”

Ang mahuhuli na lumabag sa panukalang ito ay maaaring mapatawan ng multa sa halagang P500,000 o makulong hanggang anim na taon.

 Kasami ni Cong. Irwin sina Reps. Rene Velarde at Ma. Carissa Coscolluela sa pag-akda ng Cyber Boso Bill. (IL/LS)

CYBER BOSO BILL

IRWIN TIENG

TAX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with