^

PSN Showbiz

Gretchen kontrolado na ang emosyon

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Nung Sabado nang gabi habang pinanonood namin ang Maalaala Mo Kaya sa kanyang bagong araw at oras ay hinahanap namin ang sosyalerang si Gretchen Barretto.

Hinahanap namin ang sosyal na babaeng presyo pa lang ng ginagamit na bag at sapatos ay sapat nang kayamanan ng isang mahirap, hinahanap namin ang pabolosong babae na ang isinusuot na diyamante ay pagkalalaki, pero sa kahit anong eksena sa MMK nung Sabado nang gabi ay hindi namin nakita ang sosyalerang babae.

Sa halip, ang nakita namin ay isang babaeng simpleng-simple ang gayak, isang babaeng problemado sa kanyang mister, isang babaeng parang hindi pa nakapagsusuot ng mamahaling hiyas, dahil sa kanyang kapayakan.

Ganun kami nakumbinse ni Gretchen Barretto sa ginampanan niyang karakter sa MMK kasama ang magagaling na aktor na sina Phillip Salvador at Tonton Gutierrez.

Hinubad ni Gretchen ang buong-buo niyang pagkatao para sa nasabing papel, hindi mo makikita sa kanya sa kabuuan ng palabas ang totoong sosyalerang siya, dahil ang nakasama natin sa kabuuan ng kuwento ay isang simpleng babaeng naghahanap ng kaginhawahan sa buhay at ng pagmamahal mula sa ibang tao na magbubuo sa kanyang kumpiyansa bilang babae.

Ito ang unang madramang pagganap ni Gretchen pagkatapos nang labinglimang taon, ito ang naghudyat sa muli niyang pagharap sa mga camera pagkatapos nang mahabang panahon, hindi kami nagsisinungaling kapag sinabi naming naibigay ni Gretchen ang lahat ng hinihingi sa kuwentong ginampanan niya.

Saktong-sakto lang ang kanyang atake, hindi siya naging OA sa kahit anong eksena, at kaya nang pagalawin ngayon ni Gretchen ang kanyang mga mata.

Totoong-totoo nga na ang pinakamagaling na titser sa buong mundo ay ang karanasan. Malalim na ang hugot sa pagganap ni Gretchen ngayon dahil sa mga personal na pangyayari sa kanyang buhay.

Naranasan na niyang magmahal at mabigo. Naranasan na niyang itakwil at maliitin ng mga taong dapat ay dalawang-kamay na tumatanggap sa kanya bilang kapamilya.

Naranasan na niyang madapa, naranasan na niyang lumiko ng daan pero pinagsisihan niya naman nung bandang huli. Sa dami ng karanasang pinagdaanan ni Gretchen ay maaasahan na ang lalim sa kanyang pagganap.

Ang galing-galing niya sa MMK, kontrolado ang kanyang emosyon, maraming salamat sa kanilang kapitan na si Direk Nuel Naval na lagi kaming ginugulat-pinahahanga sa kanyang mga obra sa telebisyon.

* * *

Sangkatutak na text ang tinanggap namin habang tumatakbo pa ang kuwento ng MMK hanggang nung matapos na ang palabas. Ikaliligaya ni Gretchen ang mga mensahe dahil isa lang ang kinauwian ng lahat—pinahanga niya ang publiko, sinorpresa niya ang manonood, maraming humanga at nagkagusto sa kanyang pagganap.

Sabi ni Doris Repalda, kaibigan naming nagtatrabaho sa call center, “Pansamantala kong hindi nakita ang sosyal na Gretchen, magaling siya, aktres na nga siyang matatawag ngayon.”

Sabi naman ni Manny Duenas na kauuwi lang galing sa Bahrain, “Ang suwerte ko naman, ito agad ang napanood ko sa pag-uwi ko. Dati nang magagaling sina Phillip at Tonton, pero ginulat ako ni Gretchen.

 “May TFC ako sa Bahrain, sa mga talk show ko lang siya napapanood dun, puro intriga, puro controversies, samantalang puwede pala niyang gawing career ang acting.

 “Too much on issues, mag-concentrate na siya dapat sa acting, magtele­serye na siya, she’s very good, magaling siyang umar­te. In fact, akala ko, palpak siya but she surprised me, Gretchen is a good actress,” sabi pa ng aming balik­bayang kaibigan.

Panahon na nga siguro para tumanggap ng tele­serye si Gretchen, sayang naman ang galing niyang umarte kung puro intriga lang ang sasagutin niya sa mga talk shows, kailangang magamit na niya nang maayos ang kanyang talento ngayon.

Maligayang bati sa sosyalerang babae na puwede rin palang kapani-paniwalang nagdarahop sa buhay.

GRETCHEN

GRETCHEN BARRETTO

KANYANG

NANG

NARANASAN

NIYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with