Walang kapantay na lungkot at paghihirap
Before you know it, gaganapin na ang grand finals ng Pinoy Idol. Ngayon pa lamang ay ang dami nang nagtatanong sa akin kung sino sa palagay ko ang magiging very 1st Pinoy Idol. Babae ba raw o lalaki?
Ewan ko, kayo ang magsabi, sino ba sa palagay n’yo?
Let’s just hope na ang mananalo will be truly deserving at mapantayan niya ito ng kasikatan afterwards. Maski naman yata sa recent American Idol searches, mas sumisikat yung mga nagiging runners-up.
* * *
Bumagyo pala diyan. Buti na lamang at bukod sa baha ay walang masyadong idinulot ang bagyong si Helen. At least nasanay na tayong pakibagayan ang bagyo.
Ipinagmamalaki ko lamang na tulung-tulong tayo diyan, kahit mahihirap nagbibigay ng tulong, di lamang yung may kaya.
Talagang ang problema natin diyan concentrated sa mahihirap at iilan ang may magandang buhay.
Mayayaman lamang ang yumayaman pa, ang mga mahihirap, di lang lalong naghihirap, kundi dumarami pa sila.
Mahal din ang presyo ng gasolina sa maraming panig ng mundo pero, nakakaya nila dahil maganda ang ekonomiya nila dito sa Amerika at parating nakasuporta ang gobyerno.
D’yan sa atin, ang mga taga-gobyerno, lalo na yung matataas na tao, libre sa gasolina, hindi nila nararamdaman ang hirap ng mga ordinaryong mamamayan.Yung mga driver ng bus, jeepney, taksi, may mga binabawiang pasahero, ganundin ang mga tindera, naitataas ang presyo na kinakagat ng mga mamimili na walang choice dahil kailangang bumili, pero yung mga bumibili, walang mabawian, yung sweldo nila, tumaas man kakarampot lamang.
Si Vero (Samio) na may pinagkakakitaan, gumagamit ng uling, nagtitira lang ng isang bukas na ilaw sa bahay, nilalakad ang talipapa dahil mahal na rin ang tricyle at gumagawa ng kung anu-anong pagtitipid para may maisuporta sa mga kinakailangan sa pamilya, paano pa yung mas mahirap sa kanya?
Katulad ng marami, nag-isip na rin siya ng sideline, pero kailangan din ng malaking pera para magtinda, para magnegosyo, para mabuhay ng maayos.
Kayo, ano ang naiisip n’yo?
* * *
Masuwerte tayong nasa showbiz, mas malaki ang oportunidad nating kumita. ‘Yun nga lang, ang oportunidad ay naka-sentro rin sa iilang masusuwerte.
Sa komersyal yun at yun din palagi ang nakikita mong mukha, sa mga palabas, yun at yun din ang mga bida, maski na sa pulitika, kama-kamag-anak ang namamayani. Kaya ang pera naka-sentro rin sa iilang bulsa.
* * *
Bigla yata akong nag-lecture. Paano, pauwi na ako d’yan. Kaya masaya ako dahil makikita ko na naman ang mga mahal ko sa buhay, mas lamang ang lungkot sa walang katapusang pagdating ng mga problema na ang mga solusyon ay ni hindi man natin matanaw.
Ang tanging nagbibigay sa akin ng pag-asa ay ang tatag nating mga Pinoy. Diyan at maging sa labas ng bansa, patuloy na lumalaban ang Pinoy.
Hindi biro ang mawalay sa sarili nating bansa at malayo sa piling ng ating mga mahal sa buhay pero, hindi tayo binibigyan ng pagkakataon na mamili.
Kung hindi tayo aalis, mabubuhay ba natin ang ating pamilya? Kaya gaano man kalungkot ang malayo sa kanilang mahal, kinakaya ng mga Pinoy, ito
At
- Latest