^

PSN Showbiz

Matapos makipagharap sa bossing ng ABS-CBN, Angel gustong makipag-ayos kay Claudine

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Ipinagmamalaki ni Robin Padilla na lahat ng ini-endorse niya’y may pinu­pun­tahan, gaya ng latest endorsement niyang Lungcaire Plus na magpo-protekta sa baga. Kailangan ito ng mga smokers, mga nakatira sa siyudad, bus at jeepney drivers at commuters. One capsule a day lang nito ang kailangan para tumibay at mapanatiling malusog ang baga.

 Hindi naninigarilyo si Robin at healthy living ang pinapraktis niya, kaya may karapatan siyang mag-endorse nito. Kinumbinse rin niya ang press na present sa presscon ng Lungcaire Plus na tumigil na sa paninigarilyo.

 Samantala, tuloy na ang muling paggawa ni Robin ng pelikula sa GMA Films at sa end ng July, aakyat na siya ng Baguio para simulan ang shooting ng Sundo to be directed by Topel Lee. Makakasama niya rito sina Sunshine Dizon at Rhian Ramos.

 Nang malamang naospital si Sunshine dahil sa migraine, sabi ni Robin, siya ang bahala roon at tuturuan niya ng tamang breathing ang actress. Sigurado ring ituturo ng actor ang tamang exercise sa actress na nagpapapayat ngayon.

 After the movie, uuwi ng Australia si Robin para simulan ang training para sa Totoy Bato. Kasama rito ang pagpapalaki ng katawan at dahil 150 lbs. siya ngayon, 50 more pounds ang kailangan niyang idadagdag at gagawin niya ito by eating high-protein food.

 Rigid ang training ni Robin for his next show sa GMA 7, dahil hindi lang siya basta boksingero rito, kundi isang dalubhasa sa mixed-martial arts na puro malalaki ang katawan.

 “Isang malaking karangalan sa akin nang gawin ko ang Joaquin Bordado na remake ng movie ni Sen. Ramon Revilla. Malaking karangalan din na gawin ang remake ng Totoy Bato na unang ginawa ng hari, ni Fernando Poe, Jr.,” wika ni Robin.

 Ang kumpirmado palang  kasama ni Robin sa Totoy Bato ay sina Eddie Garcia at Manny Pacquiao. Equal billing sila ng boxing champ, pero mauuna sa kanila ang pangalan ni Eddie na kung kanyang ituring ay isang alamat sa industriya.

*  * *

Hindi pala natuloy umalis si Angel Locsin, kaya naging madali sa kanya ang makipag-meeting kina Ms. Charo Santos-Concio at Cory Vidanes para ayusin ang nangyaring gulo sa kanila ni Claudine Barretto.

Last Tuesday, kasama ang manager niyang si Becky Aguila, humarap ang actress sa boss niya sa ABS-CBN to explain her side.

May isinama si Becky na nagtatrabaho sa Pin Antonio Salon at ito ang nagpatunay na walang sigawang nangyari sa dalawang actress at wala ring sinipang upuan si Angel.

Wala si Claudine sa meeting, pero siguradong kakau­sapin din siya.

 Sa naturang meeting, nilinaw ni Angel na ayaw niyang may kaaway siya at nakikibagay daw siya sa lahat.

Wala raw may gustong mangyari ang nangyari and it was a simple case of miscommunication. Willing ang actress na makipag-ayos kung may dapat mang ayusin.

*  * *

 Pagdidiskusyunan sa Friday episode ng Moms na To Ink or Not to Ink ang pagpapa-tattoo. Skin art ang tawag dito ng mga bata, pero para sa mga magulang, dumi sa katawan ang dulot ng tattoo. Agree o disagree? Guests sina Rio Locsin, Tuesday Vargas, Bhaba Mitra at Dr. Camille Garcia. Guest performer si Olivia na kakantahin ang True Blue.

 Sa Q-11 napapanood ang Moms, 5 p.m., Monday to Friday and hosted by Lani Mercado, Sherilyn Reyes, and Manilyn Reynes.

vuukle comment

LUNGCAIRE PLUS

ROBIN

TOTOY BATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with