Kaya na bang magbigay ng payo nina Marvin at Jolina?
Kuwento ng mga sekretarya ko na bilib na bilib sila sa relasyon nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal. Napaka-propesyonal daw ng dalawa at na-maintain ang kanilang tandem hanggang ngayon. Hindi nila kinakailangang magkaroon ng ugnayan para suportahan ng kanilang mga tagahanga. Sapat na sa kanila na nag-mature na ang dalawa at maligaya sa kanilang mga buhay ngayon, si Marvin bilang ama ng kanyang kambal na lalaki at si Jolina bilang future Mrs. Bebong Muñoz. Siguro raw kung hindi naging matagumpay individually ang dalawa, baka nga hindi pa sila naging best of friends but the fact na nagawa nilang makawala sa isang loveteam ay isang feat na bihirang magawa ng mga ibang naghihiwalay na pareha.
May bago palang palabas ang dalawa sa GMA 7, na magsisimula sa July 20, isang drama anthology na magsasadula ng mga tunay na kuwento ng mga letter senders na sa huli ay bibigyan ng payo ng dalawa o kung hindi man payo ay mga opinyon nila na may layong pagaanin ang problema ng mga kabataang nagpadala ng sulat.
Dear Friends ang titulo ng programa na mapapanood pagkatapos ng Pinoy Idol Extra tuwing Linggo ng hapon.
Kaya na ba ng dalawa na magbigay ng payo, may sapat na ba silang karanasan para gawin ito?
“Hindi naman kami magmamarunong, ilalahad lang namin ang mga personal naming karanasan at pang-unawa sa problemang nakalahad. Magbibigay din kami ng opinyon sa isyu na tinatalakay,” sabay na sagot ng dalawa.
Capable naman ang dalawa na makapagbigay ng linaw, payo o anuman sa problemang ilalahad. Si Marvin malawak ang karanasan, kaya nga siya mahusay na aktor, marami siyang pinaghuhugutan. Ako sigurado, malaki ang maitutulong niya sa mga susulat sa kanila.
Si Jolina, aakalain nating sheltered ang buhay pero, hindi lamang naman sa karanasan lumalawak ang ating kaalaman kundi sa ibang bagay din. I know she is a wide reader, malaki ang maitutulong nito sa kanya. She can also do research, at dahil kabataan din, in touch siya sa problema ng mga ka-edad niya.
* * *
Maganda raw ang Codename: Asero. Talagang tinutukan ang pagsisimula nito ng mga bruha kong sekretarya para lamang may maikwento sa akin. Sabi nila, ang laki raw ng improvement ni Richard Gutierrez, hindi lamang sa larangan ng pag-arte kundi maging sa pagiging isang alagad ng sining. Gumagawa na raw ito ng mga stunts niya.
Gusto talagang mapagbuti ang craft niya. Kaya lang konting ingat Chard, huwag masyadong mapusok, naa-appreciate naman ang effort just don’t overdo it.
Bagay daw sila ni Heart Evangelista, mayroon silang chemistry sa screen. O kita n’yo na, ito ay sa kabila ng pagtatapat ng dalawa na wala silang romansa, magkaibigan lang sila. Hindi ito nakabawas sa kanilang effectivity as a tandem, cute daw ang mga eksena nila.
* * *
Hindi pa man nagsisimula ang Fever show ni Ciara Sotto sa Las Vegas pero, international na international na raw ang dating niya nang umuwi siya riyan para mag-promote ng kanyang album na If You Love Me.
Hindi naman daw siya nagmamayabang dahil si Ciara ang pinaka-least na mayabang na artist na nakilala ko at hindi niya sinasadya pero, obvious ang malaking improvement niya hindi lamang sa kanyang itsura kundi maging sa pagkanta. Mas gumaling siyang singer at nakikita na ang kanyang confidence.
Dati raw medyo mahiyain ito pero ngayon parang proud sa kanyang ginagawa.
* * *
Nakakapagod ding bumiyahe. Akala ko makakapag-rest ako pero bukod sa trabahong ipinunta namin dito, ang mag-promote ng GMA Pinoy TV, ang daming imbitasyon na hindi ko puwedeng pagbigyan, paano mula sa mga kababayan natin na matagal na dun at sabik na makakita ang mga kababayan nila na galing sa ‘Pinas. Nabundat ako sa rami ng nag-imbitang magpakain sa kanilang mga bahay.
Napaka-generous ng mga Pinoy dito. Mahilig magregalo. Kahit ano na lang gustong ipadala sa ‘yo. Kahit tanggihan mo, ipipilit talaga sa ‘yo at magtatampo pa kapag tumanggi ka.
Gustuhin ko mang tanggapin lahat ng gifts nila, mahal din kapag na-overweight ako. Pero ang dami kong nahikayat na kahit magbakasyon man lamang dito sa atin. Sabi ko dapat makita nila yung malaking improvement ng bansa at nangako namang uuwi sila at dadalawin ako sa Walang Tulugan.
Pero, kahit na gaano kasarap ang buhay sa abroad, sa ‘Pinas pa rin ako. Dito ko gustong manirahan, gagawin ko na lamang bakasyunan ang ibang bansa but my home will always be the
- Latest