Fans ni Richard Gutierrez nagseselos kay KC
Seloso talaga ang mga fans ni Richard Gutierrez. Hindi nila tinanggap ng maganda yung pag-alis ni Richard kasama si KC Concepcion sa kasagsagan ng promo ng Codename:Asero na kung saan ay ini-establish ang tambalan nila ni Heart Evangelista. Feeling nila, mababawasan ang pinalulutang na love angle kina Chard at Heart kung ganyang may mga lumulutang din na ganitong anggulo sa pagitan nila ng anak ni Mega.
Wow! Ganito na pala kasikat ang bunso ni Mama Annabelle, lumalabas na pinag-aagawan ito ng dalawang magagandang babae?
Bongga raw ang launching ng Codename: Asero na sa AFP Theater pa ginanap. Maganda raw at impressive yung presentation na kung saan lahat ng dumalong press ay tumanggap ng mga shawl ba yun o turban? Ang dami ring giveaways, lahat yata ng endorsements ni Richard ay nag-donate ng kanilang produkto.
Congrats kay Richard, dahil magagandang blessings ang dumarating sa kanya. Pero ako hindi nagtataka, isang mabuting anak si Chard at hard working pa.
Congrats Annabelle, masuwerte ka rin sa mga anak mo.
May dalawa ka pang anak na kasali sa Codename Asero, sina Elvis at Rocky.
* * *
Mukha talagang suportado na ng mga parents ni Heart Evangelista ang trabaho niya ngayon. Both her dad and mom were present during the launch. At asikaso naman sila ng mag-inang Annabelle at Raymond Gutierrez.
* * *
Meaningful naman ang magiging pagdiriwang ng ika-80th birthday ng comedy king na si Dolphy na magaganap sa ika-23rd ng July sa The Fort. Magkasabay na ilulunsad ang kanyang autobiography, ang Dolphy: Hindi Ko Ito Narating Mag-isa na kung saan tampok ang drama at magic ng 80 taon sa buhay ni Dolphy at ang Dolphy Aid Para sa Pinoy Foundation, isang private, non-profit organization na magbibigay ng tulong pang-edukasyon sa mga mahihirap.
Layunin din ng organisasyon na makalikom ng pondo para makapagpatayo at makapag-patakbo ng paaralan para sa performing arts, magbigay ng edukasyon at oportunidad na ma-extend ng mga matutulungan nila ang kanilang talento sa iba pa. Magbibigay din ang organisasyon ng scholarship sa mga karapat-dapat na mga anak ng OFW.
Bongga ka talaga Pidol at walang kasawa-sawa sa pagtulong. Binabati kita at
* * *
Marami sa nakapanood ng press preview ng Iisa Pa Lamang ang nag-akala na hindi mahalaga at maikli lamang ang magiging partisipasyon ni Gabby Concepcion sa nasabing serye.
Itinuwid ito ni direktor Ruel Bayani na nagsabi na sa mga susunod na linggo (isang linggong episode lamang ang ipinapanood sa press) ay lalaki na at magiging mahalaga na ang role ng balik-bayan actor.
- Latest