^

PSN Showbiz

Richard mas mataas na ang level

- Veronica R. Samio -

May nagbibigay ng kakaibang excitement kay Richard Gutierrez sa bago niyang teleserye sa GMA 7 na Codename: Asero. Ito ang pagkakataong maipakita ang kanyang talento sa mga stunts.

Isang karate brown belter si Richard, marunong sa kickboxing, muay thai at arnis pero, nag-training sa tapwondo o combat aikido sa ilalim ni master Monching Gavileno.

“Pinag-aralan ko ito noon pa para sa Kamandag pero, hindi ko nagamit kaya binalikan ko para dito sa Asero,” anang paboritong aktor at highest paid sa GMA 7 pero ayaw solohin ang credits at sa halip ay malaki ang pasasalamat sa kanyang fighting director/instructor na si Ralph Roxas. 

Bukod sa magaganda at well-choreographed stunts, may magandang istorya ang Codename: Asero na kinunan sa Dubai at nagtatampok sa isang napaka­la­king cast headed by Heart Evangelista.

Dalawa ang direktor ng serye na magsisimulang mapanood bukas, Hulyo 14, sina Mark Reyes at Mike Tuviera.

Isang kakaibang Richard na naman ang mapapanood natin.

* * *

Mukhang mauungusan nina Yosef Elizalde, Nicole Uysiuseng at Robi Domingo ang mga nakasama nila sa PBB Teen Edition Plus na meron na rin namang mga projects na ginagawa dahil parang swak sa kanilang tatlo ang mga roles na ipinagkatiwala sa kanila sa My Girl na nagtatampok sa tambalan nila Kim Chiu at Gerald Anderson. In fact, mukhang nakaramdam ng takot ang mga Kimerald fans nina Kim at Gerald, nagbanta na raw ang mga ito nang hindi maganda sa tatlo.

Kung sabagay, kung napapanood n’yo ang trailer ng serye na nagpapakita ng entrance ng tatlo ay talaga namang makaagaw-pansin sa saya ng mga eksena nila.

Kaeksena pa nila si Keanna Reeves na nagpapakita ng malakas na suporta sa tatlo.

Si Nicole si Hannah, ang nawawalang apo ni Lolo Greg (Ronaldo Valdez) at naging dahilan para magkakilala sina Jasmine (Kim) at Julian (Gerald). Magpinsan naman sina Samboy (Yosef) at Vincent (Robi) na parehong may gusto kay Hannah pero, may balakid ang adoptive aunt ni Hannah, si Tiya Nena (Keanna). Mas pabor ito kay Vincent na ismarte, may kaya at edukado kesa kay Samboy na palaging sablay, isang mekaniko lamang at madalas maaksidente.

Inamin ng tatlong baguhan na aware sila sa pag-ayaw sa kanila ng Kimerald, humihingi sila ng pang-unawa dahil wala sila sa posisyon na pumili ng trabaho. Lahat ng ginagawa nila ay pagsunod sa pasya ng management ng ABS-CBN.

* * *

Tatlumpu’t apat na pagtatanghal ang ibibigay ng  mga batikang piyanistang sina Reynaldo G. Reyes at Ingrid Sala Santamaria para sa kanilang Romantic Piano Concerto Journey sa isang malawakang roadshow na nagsimula na nang Hunyo at aabot hanggang Setyembre.

Makikita ang kanilang video preview kasama ang mga detalye ng kanilang pagtatanghal sa http://www.youtube.com/user/rpcjt.

* * *

Isang acting showdown ang naganap kagabi sa Maalaala Mo Kaya between Sheryl Cruz and Jodi Sta. Maria. Bagama’t mas naunang mag-artista si Sheryl kay Jodi, ipinakita ng huli na wala sa haba ng panahon ang iginagaling ng isang artista. Maganda ang role na naibigay sa kanya kung kaya hindi siya nahuli sa husay na ipinamalas ni Sheryl na nami-miss na rin ng kanyang mga tagasubaybay.

vuukle comment

ASERO

CODENAME

GERALD ANDERSON

HANNAH

ISANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with