^

PSN Showbiz

Kuwentong Rey Malonzo at Cristina Decena yuck!

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Maraming  nagulantang, kasabay nun ang panghihilas, nang basahin ni dating Mayor Rey Malonzo ang isang sampol ng text message sa kanya ni Cristina Decena. Idinedenay kasi ng businesswoman na nagkaroon sila ng relasyon, kaya ang ginawa ng pulitiko, naglabas siya ng ebidensiya para panindigan na nagkaroon nga sila ng relasyon ni Cristina Decena.

“Alangan namang magkasama kami sa Hong Kong nang tatlong gabi at apat na araw, pero nagkuwentuhan lang pala kaming dalawa dun?” diretsong pagdidiin pa ni dating Mayor Rey Malonzo.

Para silang sina Gerald Anderson at Kim Chiu nung mga sandaling yun, kaliwa’t kanan ang mensaheng tinatanggap namin sa 2366, dahil parang nagmumurang-kamyas daw ang dalawa.

Nangyari yun sa Showbiz Mismo sa DZMM nung Miyerkules nang hapon, umapela si dating Mayor Malonzo na gusto rin niyang maging panauhin sa programa para masagot niya ang mga akusasyon ni Cristina, pero hindi pumayag ang negosyante na hindi rin ito magpunta nang personal sa DZMM.

Ang nangyari ay nasa booth mismo ng DZMM si dating Mayor Malonzo at ang abogado ni Cristina na si Attorney Rizal Balbin at si Cristina at ang kanyang abogadong si Attorney Nimfa Pineda ang nasa DZMM News Center na ilang hakbang lang ang layo sa booth.

Naging mainit ang talakayan dahil pinagtatalunan nina Cristina at dating Mayor Malonzo kung sino ba ang may utang kanino, ayon kay Cristina ay malaki raw ang utang sa kanya ng aktor-pulitiko, pero ayon naman sa dating mayor ng Caloocan ay meron pa siyang sisingilin mula kay Cristina na kapag nakuha niya ay kuwentas-klaras lang sila.

Hanggang sa napunta na nga ang usapan tungkol sa kanilang relasyon, idinedenay yun ni Cristina, hindi raw sila dumating ng aktor-pulitiko sa puntong gustong palabasin ng dating mayor ng Caloocan.

Nakiusap sa amin ni Jobert Sucaldito si Cristina nung mag-break kami, huwag na raw sana naming itanong pa sa ere ang tungkol sa kanilang relasyon, nahihiya raw si Cristina para sa kanyang mga anak.

Isang pakiusap yun na pinakinggan namin, nung sumunod na talakayan na ay hindi namin yun binuksan, pero si dating Mayor Malonzo ang nags­abi sa ere na hindi siya papayag na hindi maging ma­linaw ang kuwento tungkol sa kanilang naka­raan.

Ang aktor-pulitiko pa mismo ang nagtanong kay Cristina, “Ang gusto ko lang na sagutin mo, nagka­roon ba tayo ng relasyon o hindi?” Hindi halos maka­pagsalita si Cristina, ang tanging nasabi nito, “Hindi tayo umabot doon.”

Pero hindi pumayag ang aktor-pulitiko sa sagot ng negosyante, binasa niya ang isang mensaheng nakatago pa pala sa dala-dala niyang laptop, ang huling mga salita sa binasa niyang text message ay “I love you, heart.”

Juice kooooooo!!!!!!

Para silang mga teenagers nung mga oras na yun, nagsasalimbayan ang mga mensaheng ipinadadala sa amin ng aming mga tagapakinig at tagapanood sa Teleradyo, yuck daw ang dalawa.

* * *

Ang punto ni dating Mayor Rey Malonzo, kung sa simula pa lang ay kasinungalingan na ang mga sinasabi ni Cristina, ano pa ang magiging totoo sa mga pinagsasasabi nito?

“Kung yung relasyon nga lang namin, e hindi niya maamin, paano pa itong mga bintang niya na meron daw akong utang sa kanya? Paano natin siya paniniwalaan kung nagsisinungaling na siya agad tungkol pa lang sa relasyon namin?” paliwanag ng aktor-pulitiko.

Ipinagdidiinan ni Cristina na business partners lang daw sila, magaling daw gumawa ng bahay ang aktor-pulitiko, pero hindi raw sila “Umabot doon.”

Ayon pa sa isang texter namin, “Itong si Cristina, nakakadalawa na siya, ha? Dalawang action stars na ang nadadagit niya!”

Nakakahiya ang senaryong nangyari, heto ang isang lalaking naninindigan na nagkaroon sila ng relasyon ng babae, pero tanggi naman nang tanggi ito.

vuukle comment

CRISTINA

DATING

MAYOR MALONZO

PLACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with