^

PSN Showbiz

Heart may pelikula sa Cinemalaya

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Hindi naging hadlang ang pagtira ni Jim Paredes sa abroad para mabuwag ang grupo nila nina Danny Javier at Buboy Garrovillo na APO Hiking Society na magdiriwang ng kanilang 40 taong pagsasama sa pamamagitan ng isang konsyerto sa Setyembre 20, 8 p.m., sa Araneta Coliseum na pinamagatang APO of the Philippines. Pagdiriwang din ito ng 39 taon nang pagkakaibigan na bagama’t inamin nilang nagkaro’n din sila ng hindi pagkakaintindihan at kaunting tampuhan, hindi naman ito umabot sa pag-aaway at paghihiwalay.

Humahanga nga ako sa tatlo, tulad ng paghanga ko sa friendship ng isa pang trio, sina Tito, Vic at Joey, dahil sa kabila ng kanilang pagiging isang matagumpay na grupo, matagumpay din sila individually.

Sigurado ako na kaabang-abang ang konsyerto ng APO, isang musical journey lalo’t kung iisiping marami silang napasikat na awitin na gustong muling marinig ng mga manonood sa kanila.

* * *

Mayroon palang digital film na ginawa si Heart Evangelista under Aloha Pearl Film Productions na mapapanood sa Cinemalaya sa July 11. Ito ang Ay Ayeng na kung saan ay gumaganap bilang isang Igorota na nakikipaglaban para isulong ang edukasyon ng kanyang mga kalahi sa gitna ng kahirapan at pagbubuwis ng buhay.

Ipinalabas na ito sa Hawaii at marami ang pinahanga at pinaiyak ni Heart sa kanyang pag-arte. Pinalakpakan nila ang dalaga at ganoon din ang Fil-Am actress na si Sheena Joy na gumaganap bilang best friend niya.

Ito ay nasaksihan ng mga co-stars niya na sina Jao Mapa at Maria Isabel Lopez na dumalo sa premiere night nito sa Hawaii.

Ang Ay Ayeng ay naging Fil-Am Friendship Day presentation sa Baguio kahapon. Sa pagsisikap ng Arte Cordillera Group at Baguio Volunteers Assoc. Susunod naman ay mapapanood ito sa Urdaneta City bilang pagdakila sa producer na nagmula sa lalawigang ito.

Nakatakda rin itong mapapanood sa Bicol region, Hong Kong, Macau at Kuwait.

Kita mo nga naman ang tinahi-tahimik ni Heart ay baka manalo pa itong best actress sa mga susunod na awards derby.

* * *

Lalo pang dadayuhin ang Star City ngayong may Unang Gimik na ito na nagtatampok sa mga popular na banda  tulad ng Cueshe, Zelle, Tsubibo, Publico at Plastic Baloon.

Nagsimula ang pagtatampok sa mga banda noong Hunyo 28, Sabado, 4 p.m. May promo ito na kung saan nagbibigay ito ng cut down price sa ride-all-you-can entrance ticket.

ALOHA PEARL FILM PRODUCTIONS

ANG AY AYENG

ARANETA COLISEUM

ARTE CORDILLERA GROUP

PLACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with