Maricel may kampanya sa dry skin
Ang problemang dry skin ay sakit ng ulo. Isang pag-aaral mula sa TNS Research Agency ang naglalahad na siyam sa sampung mga ina ang naniniwalang problema talaga ang tuyot na balat. Madaling napapasok ng mga germs kapag napapapahinga ang balat due to dryness. Hindi iyon healthy.
Dito naman maaasahan ang Johnson’s Pure Essentials sa pamamagitan ng kanilang kampanyang Linis-Kinis, Sagip-Kutis. Layunin nito na magbigay ng lecture o tamang edukasyon para sa causes and effects ng dry skin para maging aware ang mga tao na ito’y maiiwasan at magagamot pa.
Si Maricel Laxa, spokesperson ng Linis-Kinis, Sagip-Kutis, ay hindi pabor sa mga matatapang na sabon. “We need to take immediate and concerted action to ensure that our skin is protected from dryness and irritation that may be caused by many factors, including the use of harsh soaps,” sabi ng misis ni Anthony Pangilinan.
Nagkaroon ng bus na parang mobile clinic na siyang ginamit sa campaign tours ni Maricel sa iba’t ibang barangay na umiikot sa buong Pilipinas. Kasama niya ang ilang dermatologists na nag-asikaso sa ilang low-income families na may problema sa dry skin. Nagkaroon ng praktikal na pag-aaral at solusyon na interactive at fun ang setting, na hindi masyadong medikal at boring ang dating.
Ayon kay Maricel at sa mga kasamang doktor, dapat iwasan ang mga loofahs, washcloths at iba pang magagaspang na pang-kuskos ng katawan tulad ng face towel. Ganoon din ang paggamit ng matapang na sabon. Gumamit na lang ng alternatibong sabon na may natural ingredients.
Katulad na lang ng Johnson’s Pure Essentials, “Kasi it offers a safer approach to skin cleansing. Iyan lang ang sabon with lactomellis that cleanses the skin without drying,” paliwanag pa ni Maricel.
Ang lactomellis ay isang natural na sangkap na tumutulong magprotekta at magpalambot pa ng balat, iwas germs at dryness.
“Tinatawagan ko talaga ang mga kapwa nanay na huwag ipag-walang bahala ang skin dryness. Dapat itong masolusyunan,” dagdag pa ng aktres.
Abangan ang Linis-Kinis, Sagip-Kutis caravan. Makakakuha pa ng mga freebies at prizes para sa buong pamilya kapag sumali sa ilang palaro ng Johnson’s. Ang susunod na pupuntahan ay Cagayan de Oro,
- Latest