^

PSN Showbiz

Goma nagamit ni Direk para mapag-usapan

- SEEN SCENE -

Seen : Ang balita na kakandidato sa 2010 si Senator Bong Revilla sa posisyon ng Bise-Presidente. Maugong din ang balita na kakan­didato si Senator Jinggoy Estrada para sa nasabing posisyon. Magkakaalaman sa 2010 kung hahayaan nina Bong at Jinggoy na muling maapektuhan ng pulitika ang kanilang pagka­kaibigan.

 Scene : Nasanay nang mag-make face si Billy Crawford sa hosting job nito sa Pinoy Dream Academy. Hindi bagay kay Billy ang kanyang ginagawa. Mas gusto ng tao ang kanyang pagiging natural. Hindi na niya kailangang magpa­tawa dahil hindi siya komedyante.

 Seen : Ang statement ni Jennifer Barrientos na mananalo siya sa Miss Universe contest. Isa lamang si Jennifer sa maraming Pilipina na sumali sa mga international beauty pageant at nagsalita na iuuwi nila ang korona ngunit umuwi silang luhaan.

 Scene: Kung hindi sinagot ng direktor na si Cathy Garcia-Molina ang tanong kung sino ang aktor na ayaw niyang makatrabaho, hindi saasagot si Richard Gomez at hindi nagkaroon ng intriga. Direktor si Cathy. Hindi artista. Siya rin ang dapat sisihin dahil siya ang nag-umpisa. Nagamit si Richard para mapag-usapan si Cathy.

Seen : Ang interbyu kina Toni Gonzaga at Paul Soriano tungkol sa kanilang relasyon. Tahimik daw ang kanilang lovelife dahil ayaw nila ng iniintriga. Hindi nagkakalayo sina  Cathy at Paul. Direktor din si Paul. Hindi siya artista ngunit mahilig din magpainterbyu. Bakit hindi niya tularan si Lino Cayetano na direktor din ngunit alam kung paano ihiwalay ang kanyang propesyon sa personal na buhay.

Scene : Sa isang isla ng Southern Thailand ang location ng Survivor Philippines. Nag-leak na sa Internet ang mga importanteng impormasyon ng contest at ang pangalan ng mga kalahok.

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

CATHY GARCIA-MOLINA

DIREKTOR

DREAM ACADEMY

JENNIFER BARRIENTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with