‘That was below the belt, Mr. Wyngard’
Buti na lamang at hindi ko napanood yung episode ng Pinoy Idol (PI) na kung saan pinagsabihan ng isa sa mga tumatayong judges ng nasabing reality search ng GMA 7 ang isa sa mga contestants (na hindi napasama sa Top 12) na mas bagay daw ito sa Walang Tulugan. Nasira
Marami ang nagtawagan at nag-text sa akin, lahat nagtataka kung bakit daw iyon ginawa ni G. Wyngard
Bagama’t napakaganda ng paliwanag na ibinigay sa akin ng bossing ng PI na si Ms. Hazel, na hindi raw masama ang pakahulugan ng PI judge sa kanyang binitiwang salita, napayapa niya ang galit ko pero hindi niya ako nakumbinsi.
* * *
Congratulations kay Dennis Trillo, ang daming pumupuri sa acting niya sa Magdusa Ka. Bumalik daw ang galing na unang nakita nila sa kanya sa Aishite Imasu at Blue Moon na kung saan hindi siya nilamon sa pag-arte nina Eddie Garcia at Christopher de Leon. For a while kasi, hindi nakita ang brilyo ng pag-arte ni Dennis, parang naglalaro lamang siya. Ano kaya ang nag-inspire sa kanya para muling pagbutihin ang pag-arte?
* * *
Maganda ang Urduja, entertaining. Akala ko kasi pambata lang, mag-i-enjoy din pala ang mga kaedad ko. Muli hinangaan ko ang galing ng ating mga animators. Kaya naman pala sila kinukuha sa abroad, ’di lang dahil sa swerte kundi dahil talagang may talent sila. Dito sa Urduja, binigyan sila ng recognition ni Tony Tuviera, ang producer na nangarap at nakagawa ng kauna-unahang full-length animation movie.
Ang galing talaga ni Regine Velasquez. Hindi kataka-takang ipagpilitan ni G. Tuviera na sa kanya ipa-boses si Urduja. Bukod sa ginamit na ang boses niya, ibinigay pa ang mukha niya rito.
Maganda rin ang melody ng mga komposisyon ni Joey de Leon at nilagyan ng lyrics ni Ogie Alcasid. Or is it vice versa? Whatever, magaling ang musical tandem nila.
Again, congratulations sa kanilang lahat!
- Latest