GMA Network nagbabala sa mga text scam
Muling nagbabala ang GMA Network sa publiko hinggil sa mga kumakalat na text scam na gumagamit sa pangalan ng Network at ng mga opisyal nito upang makapambiktima ng mga tao.
Nag-ugat ang babala sa gitna ng isa na namang mapanlinlang na text message na natanggap ng ilang tao na nagsasabing, “D’AUDITOR’s of PHIL. CHARITY FOUNDATION nform u dat
Ayon sa GMA Network, walang katotohanan ang nasabing text message at hindi ito nanggaling sa kumpanya maging sa Chairman, President at CEO nitong si Atty. Felipe Gozon. Sinabi rin ng GMA na hindi kilala at lalong hindi konektado si Atty. Gozon sa grupong tinatawag na Phil. Charity Foundation.
- Latest