^

PSN Showbiz

PBB beauty nagmumukhang tiyahin

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

 “Ang kapal niya,” komento ni Attorney Sal Panelo, abogado ni Patrizha Martinez, pagkatapos nitong mabasa ang si­num­paang-salaysay ni Baron Geisler.

Ang asuntong acts of lasciviousness na isinampa ng dalaga laban sa aktor ay kinontra naman ni Baron, unjust vexation ang inihain niyang kaso laban kay Patrizha, sa madaling salita ay pang-iinis o pang-aasar.

Ang komento naman ng abogado ng dalaga ay nag-ugat sa sinabi ni Baron sa kanyang dokumento na si Patrizha ang kusang yumakap sa kanya at kaya nagalit si Patrizha ay dahil walang nangyari sa kanila ni Baron.

Pagkatapos ng The Buzz ay maraming nagtawagan sa amin, puro negatibong komento tungkol kay Baron ang aming tinanggap, ano raw ba ang nakain ng aktor na ito at ganun ang pinalabas niya sa sitwasyon?

Hindi maganda sa panlasa ang sinabi ni Baron na ang babae pa ang parang nagbigay ng motibo sa kanya, lalong hindi masarap pakinggan ang kanyang sinabi na kaya galit na galit si Patrizha ay dahil sa walang nangyari sa kanila.

Kung inunawa ng ating mga kababayan ang pagiging alcoholic niya, sa pagkakataong ito ay mukhang mahirap unawain ng mas nakararami ang mga sinabi ni Baron sa kanyang affidavit, mahalay para sa isang lalaki ang magsabi ng ganun patungkol sa isang babae.

Umaandar na ang pagdinig sa kaso, abangan na lang natin kung makalulusot o pakikinggan ng husgado ang katwiran ni Baron, tingnan na lang natin kung ano ang kahihinatnan ng isyung ito.

Sigurado kaming nagtitimpi lang sina William at Yayo ngayon, sa rehistro ng kanilang mukha ay nandun ang matinding galit, mabuti na lang at nababantayan ng mag-asawa ang kanilang emosyon.

Kundi inom nang inom nang walang patumangga si Baron Geisler ay hindi naman siya masasangkot sa mga ganitong problema. Nung minsan ay napaaway siya sa Pampanga, tinamaan ng basag na bote ng beer ang kanyang mukha, ang dahilan kung bakit may malaki siyang pilat sa pisngi ngayon.

Nung minsan naman, dahil din sa sobrang kalasingan ay nadumi na siya sa pantalon. Siya pa mismo ang nagkukuwento ng mga nangyayari sa kanya kapag nalalasing siya, pero wala pa rin naman siyang kadala-dala, tuloy pa rin ang walang preno niyang pag-inom.

Isa si Baron Geisler sa mga pi­nang­hihinayangan naming artista, hindi mabibilang ang mga papuri namin sa galing niyang umarte dahil kayang-kaya niyang makipaglaban nang sabayan sa mga sikat nating aktor diyan, pero nang dahil sa kanyang bisyo ay napababayaan na niya ang kanyang talento.

Palagi na lang siyang nangangako na magbabago na siya, iiwasan na raw niya ang pag-inom, pero hanggang ngayon nama’y wala pa rin siyang disiplina kung uminom.

* * *

Komento ng ilang kasama namin sa panulat, sana raw naman ay may mag-alaga sa wardrobe ni Beauty Gonzales, marami kasi ang nakakapansin na parang kahit ano na lang ay isinusuot na ng dalaga, sayang na sayang daw naman ang kanyang beauty.

Para tuloy siyang tiyahin ni Alex,” komento pa ng isang kaibigan namin. “Ang ganda-ganda pa naman niya, pero nasasayang ang beauty niya nang dahil lang sa mga isinusuot niyang damit.

Sana, mabantayan nang husto ng mga nag-aalaga sa career niya ang mga damit ni Beauty. Itama sana sa age niya ang mga isinusuot niya, hindi yung minsan, para siyang principal, minsan naman, para siyang teller sa bangko.

“Walang masama sa ganung damit, pero ibagay naman sana sa age niya ang mga isinusuot niyang damit. Bata pa siya, damit na bagay sa kanya ang dapat niyang isinusuot,” pagpansin naman ng iba.

Pero sa kabila nun ay gustong-gusto namin ang kasimplehan ng ganda ng dalagang ito. Lalo na nung nasa loob pa siya ng Bahay ni Kuya kapag ordinaryong-ordinaryo lang ang gayak niya, mas lumulutang ang kagandahan ni Beauty.

Kahawig siya ni Rio Locsin, isa sa magagandang mukha sa showbiz, at kapag nagkukuwento na siya ay gustung-gusto namin ang kanyang paraan ng pagsasalita.

Parang hirap siyang mag-Tagalog, pero malambing siya, isa yun sa mga katangiang nagustuhan namin sa dalaga.

vuukle comment

NAMAN

NIYA

PATRIZHA

PLACE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with