Annabelle Rama feel mag-palengke tour kesa manood ng laban ni Pacman
Uy napanood n’yo na ba ang trailer ng Monster Mom, relaunching movie ni Ms. Annabelle Rama? Well, sobrang nakakaaliw.
Sobrang funny. Yung mga eksenang tinatalakan niya ang anak na balikbayan (na ginagampanan ni Ruffa), sus parang totoong-totoo.
Actually, say naman talaga ni Ms. Annabelle, wala siyang kahirap-hirap gawin ang role dahil ganyan ang ginagawa niya sa totoong buhay.
Isa pang nakakaaliw na part ay ang paggamit niya ng mga totoo niyang alahas sa pelikula na milyun-milyon ang halaga .
At aminado naman si Direk Joey Reyes na tailor made ang pelikula kay Ms. Annabelle.
At instead na manood siya ng laban ni Manny Pacquiao sa Amerika na nakagawian na niya, absent siya this time dahil sa Monster Mom.
Magpa-palengke tour daw siya para sa promo ng pelikula niya.
Anyway, umiikot ang istorya kay Esme (Annabelle) ng pelikula na sa murang edad na 16 ay nabuntis sa kanyang panganay na si Abby (Ruffa).
Dahil sa kanyang maselang sitwasyon, napagpasyahan ni Esme na ipaubaya ang anak sa pangangalaga ng kapatid na magmi-migrate sa Amerika. Kahit labag sa kanyang kalooban, walang magawa si Esme kundi ihabilin ang anak sa pangakong magkikita silang muli.
Lumipas ang maraming taon, walang balitang natatanggap si Esme sa kalagayan ng kanyang panganay. Sa kabila nito, masayang ipinagpatuloy ni Esme ang kanyang buhay at nagkaroon siya ng dalawa pang anak na lalaki, sina Pipo (Mart Escudero) at Boboy (JC de Vera) na may magka-ibang ama. Hindi inalintana ni Esme ang buhos ng problema sa kanyang buhay. Bigo man sa pag-ibig, nairaos niya ng matiwasay ang kanyang mga anak dahil na rin sa kanyang lakas ng loob at sariling diskarte.
Hindi inasahan ni Esme ang balitang pagpanaw ng kapatid sa Amerika. Kasabay nito, ang katotohanan sa pagkatao ni Abby ay mabubunyag. Dahil sa pangyayaring ito, nagpasya si Abby na bumalik sa Pilipinas upang makilala ang tunay na ina, si Esme.
Hindi napaghandaan nila Esme at Abby ang kanilang pagkikita. Mahigit 20 taon silang nagkahiwalay at walang pagkakakilanlan sa isa’t isa. Pinaglayo ng panahon, hindi naging madali ang kanilang pasasama.
Actually, hindi lang naman ito lahat katatawanan, may seryosong part din.
Abangan ang nationwide screening ng My Monster Mom sa Hulyo 2, 2008.
- Latest