Babaha ng luha ngayong hapon sa libing ni Rudy Fernandez, 3:00 p.m. sa The Heritage Park (final resting place) sa Taguig City kung saan siya pinaglamayan ng limang gabi.
The other night ay nauna nang umiyak si Sharon Cuneta na napaaga ang uwi from London para makiramay kay Daboy. Kasama niyang dumating sa lamay, Tuesday ng mga 11:00 p.m. si Sen. Kiko Pangilinan. Nung una raw ay hindi makalapit sa coffin si Sharon at umiiyak lang ito. Pero hindi nagtagal ay nilapitan din nito ang nakahimlay na katawan ni Kuya Daboy.
Almost 11:00 p.m. daw ito dumating at 2:00 a.m. na ay nandun pa rin si Mega na wala raw tigil sa pag-iyak.
Kagabi ginanap ang necrological service at 200 lang ang nakapasok sa chapel. Wala na rin daw TV coverage at strictly for the family and friends.