^

PSN Showbiz

Daboy isang oras nangumpisal bago namatay

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Halos isang oras palang nangumpisal si Rudy Fernandez kay Fr. Joey Faller. Kaya nga sa homily ni Fr. Faller, ang kilalang healing priest sa Lucban, Quezon, nang minsang dalawin niya si Daboy at tinanong niya ito kung gustong mangumpisal, umoo si Daboy at doon niya sinabi ang lahat kay Fr. Faller, kuwento ng pari sa ginanap na misa sa lamay ni Daboy last Sunday night.

Kaya naman alam niyang prepared spiritually si Daboy sa nangyari sa kanya.

Sinabi rin ni Fr. Faller sa misa na ang ultimate healing is death dahil ngayon, wala nang sakit na mararamdaman si Daboy.

Totoo rin na hindi naman siya totally nawala sa atin, kundi umuwi lang siya sa kanyang original na tahanan.

Alam din ng lahat na hindi naman talaga takot mamatay si Daboy kundi “takot lang siyang iwan tayong lahat,” sabi ni Fr. Faller kaya hindi na dapat mag-mourn ang lahat sa pagkawala ni Kuya Daboy ayon pa kay Fr. Faller na tiyak nagpagaan sa kalooban ng mga taong sakit ang nararamdaman sa pagkawala ni Kuya Daboy.

Actually, ready na talaga si Kuya Daboy sa kanyang kabilang buhay. At sa nangyayari ngayon, siguradong masaya siya.

Grabe, ang dami ng tao na umabot sa more than 250,000 (estimated number) ang dumalaw at nakiramay! Makikita mo talaga kung gaano kahaba ang pila samantalang kung tutuusin ay malayo ang Heritage Park. Ang ibang mga fans ay galing pa ng probinsiya.

Promise, hindi madaling puntahan ang Heritage, pero makikita mo kung paanong nagtitiyaga sa pila ang maraming fans makita lang si Kuya Daboy sa huling sandali. Ang iba nga ay nakita pa naming naglalakad lang sa may C-5.

Kahit si Sen. Bong Revilla ay nagulat sa rami ng tao at alam niyang masaya ang kaibigan niya sa rami ng nagmamahal sa kanya. Ang analysis ng marami, nag-share si Daboy ng sakit sa lahat kaya marami rin talagang affected.

At nang “silipin” namin si Kuya Daboy, maaliwalas ang mukha niya pero makikita mo ang sakit na naramdaman niya noon.

Punung-puno rin ng puting bulaklak ang chapel.

Yun daw kasi ang bilin ni Daboy, gusto nitong lahat puting bulaklak ang katabi ng body niya, kaya lahat ng bulaklak na combination ng iba’t ibang kulay ay nasa labas ng chapel.

Wala rin kasing ibang nakaburol dung iba dahil isa rin yun sa bilin ni Kuya Daboy.

At dahil maraming tao, marami rin ang nagkalat na masasamang loob.

Ang mga Pinoy kasi talagang likas ang pananamantala. Ayun, biglang nagkalat sa lugar ang mandurukot at snatcher.

Sa labas ng venue, may nag-warning na agad kay Tita Ethel Ramos (naki-ride kami sa car niya with Tito Ricky Lo na nag-interview for The Ricky Lo Exclusives, Tito Mario Hernando, Tita Nora Calderon, Anna Pingol and Allan Diones), na ingatan ang bag niya dahil may mga nadukutan na.

Sa rami kasi ng tao sa labas ng apat na chapel, hindi mo talaga mapapansin kung dinudukutan ka na.

At kasama sa mga nabiktima ay si Ricky Davao na nawalan ng cellphone. Kaya nakiusap na si Lorna na sana’y wag namang samantalahin ng mga walang kaluluwa ang lamay ni Daboy.

Nung una kasi ay nakapila pa ang mga fans, pero nung magha-hatinggabi na (Sunday night) ay biglang nagkagulo na. Kanya-kanya nang puntahan. Kaya sa tuwing may darating na artista, dinudumog na talaga.

Lalo na si Dingdong Dantes na nagda-drive ng sariling car. Hindi agad siya nakapasok kasama si Karylle.

Kahit sa parking ay nagkagulo na dahil dinudumog ang mga kotseng dumarating.

Pero naayos din naman agad dahil marami namang mga volunteers na nag-ayos ng traffic dahil nagbigay ng instructions si Sen. Bong at tumulong si direk Boots Plata.

Highlight din ng gabi ay nang magkabati sina Ruffa Gutierrez at Lani Mercado.

Yup, after tita Lolit Solis and Tita Annabelle Rama, sina Ruffa at Lani  naman ang nagkaayos sa wake ni Kuya Daboy.

Maaga si Lani sa wake. Bago pa man magmisa, andun na silang buong mag-anak. Samantalang si Ruffa ay mga 11 p.m. na dumating.

So nang umupo si Ruffa sa reception area kung saan katsikahan sa isang table ng mommy Annabelle at Daddy Eddie niya sina Tita Dolor Guevarra, Dolphy, Bong, Ipe, na patayu-tayo sa upuan nila, tinawag ni Bong si Lani.

Nagngitian at nagbatian na ang dalawa dahil nag-dialogue si Tita Annabelle na nagkabati na sila ni Tita Lolit dahil ayaw ni Kuya Daboy ang nag-aaway.

Kaya ayun, ang ending nagkaayos sila. Matagal-tagal ding naging malaking issue ang isnaban isyu kaya nga nagkaroon din ng gap sina Tita Lolit at Tita Annabelle.

Anyway, gabi-gabi rin iba-iba ang nag-i-sponsor ng dinner. Nang gabing andun kami, sina Mother Lily Monteverde at Sen. Jinggoy ang nagpakain sa mga bisita.

Naka-stand by sa isang area ang mga cameramen at photographers kaya hindi nag-uunahan ang cameramen.

Kasama pa sa mga nandun last Sunday night ang pamilya nina Dolphy at Zsa Zsa Padilla, Pops Fernandez, Vandolph and his wife, Bing Loyzaga, Janno Gibbs, Amy Perez, at maraming-marami pang iba.

Kagabi naman ay dumalaw si Ms. Susan Roces.

Sa Thursday ang libing niya sa Heritage Park kaya siguradong mas marami pang tao ang dadagsa para makita sa huling sandali si Kuya Daboy.

Hanggang Thursday, 5 a.m. na lang ang viewing time dahil ang natitirang oras ay para sa pamilya at kaibigan na lang nila.

Balitang ayaw mu­nang umuwi ni LT sa bahay nila sa White Plains dahil sa masakit na alaala ni Kuya Daboy.

* * *

Very positive development ni former President Cory Aquino. Got a forwarded message. Read n’yo:

Thank God. Just finished CT Scan, Dr. Canlas says about 75% cured, konti na lang. Colon cancer super lessened, sa liver nag-shrink din but need chemo pa. Will wait for Dr. Diaz’s opinion on surgery or not on colon, so small enough to remove and no need for colostomy bag.

DABOY

DAHIL

KAYA

KUYA DABOY

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with