Bong tinulungan ni Rudy hanggang sa huling sandali
Magkakasama kami nina Senador Bong Revilla, Lani Mercado, Andrea Bautista-Ynares at Jobert Sucaldito nung Biyernes nang gabi sa likuran ng Annabel’s Restaurant nang tumawag si Senador Jinggoy Estrada.
Isang mesa lang yun na ipinaayos ni Senador Bong sa waiter, electric fan lang ang nagpapalamig sa kapaligiran, biglaan ang pag-uusap na yun na sa pagitan ng aming pagliliwanagan ay kapansin-pansin ang pagiging maligalig ni Senador Bong.
Maya-maya ay lumapit siya sa amin, “Tatakbo ako sa
Bago siya umalis ay umupo siya sa mesa namin, “Kaninang-kanina pa, habang nag-uusap tayo, hindi ako mapakali dahil naaalala ko si Daboy. Nung dumalaw ako sa kanya, ibinulong ko itong mismong nangyayari sa atin ngayon.
“Sinabi ko sa kanya,
Umiiyak talaga siya, kitang-kita namin ang pamumuo ng kanyang luha hanggang sa tuluyan nang bumagsak, yun din ang pagkakataong kahit dila ay makikinig na lang sa kanyang mga sinasabi.
Biglang yumuko si Lani, alam namin, nagdarasal ito, “Maiwan ka diyan, ako na lang muna ang tatakbo sa
Si Mommy Rose Flaminiano ang naging tulay sa pagitan namin ni Senador Bong, bantulot pa kaming dumating sa lugar na pinag-usapan namin, sabi namin kay Mommy Rose ay parang hindi pa ito ang takdang panahon ng aming paghaharap ng aktor-pulitiko.
Pero sinundot nito ang aming puso, “Dear, kapag ikaw ang naglalambing sa akin para kay Jobert, nakikinig naman ako sa iyo. Kapag hinihimas mo ako para sa kaibigan mo, pinagbibigyan naman kita.
“Magkita-kita na tayo, maglinawan na kayo para matapos na ang problema. Pareho ko kayong mahal, gusto ko kayong magkalinawan ni Senador Bong,” lambing sa amin ng manager ni Gabby Concepcion.
* * *
Una ay argumento. Kasunod nun ang pagpapaliwanagan. Kasunod nun ang pagdedepensa sa kani-kanyang karapatan. May mga pangalang lumutang sa isyu, may mga taong nasangkot sa usapin, hanggang sa magkaroon na kami ng magandang pagtatapos.
May litanya kaming binitiwan kay Senador Bong, meron siyang naalala, hindi na namin idedetalye pa ang kaganapan pero malinaw ang aming paninindigan na may pinag-ugatan ang aming hidwaan.
Nung tapos na kaming magkalinawan ni Senador Bong ay pinakiusapan niya kami kung puwedeng magkausap-usap na rin kami ni Jobert, si Lani Mercado naman na nasa Makati na pauwi mula sa taping ay pinabalik niya sa Quezon City, “Magharap-harap na tayong lahat, para ngayong gabi, tapos na ang problema,” sabi ng senador.
Naging emosyonal ang kapaligiran nung dumating si Lani, may mga nakaraang kuwentong naungkat, pero ang mga ganung pangyayari ay natutuldukan kapag parehong bukas ang puso ng magkabilang panig.
Gusto lang naming linawin na walang kahit sinong inilaglag sa paghaharap na yun, makaaasa ang mag-asawang Jorge at Patricia del Rosario na walang kahit sinong nagdiin sa kanila, sa halip ay nagpahayag pa nga si Senador Bong kung gaano niya kamahal ang ama ni Vince.
Mainit si Andeng, ang lahat kasi ng kuwento ay tumutumbok sa isang taong nagpasimula ng lahat ng gulo, sa bandang huli nga ng aming pag-uusap ay nagkaroon kami ng konklusyon na biktima kaming lahat ng taong yun.
May umamin sa kanyang ginawa. May pusong tumanggap. May mga nagsabihan ng sorry, at kapag ang salitang yun na ang namagitan, walang pusong hindi lalambot at mag-aalay ng pang-unawa.
- Latest