Kakanta ng Lupang Hinirang nalimutan ni Pacman ang pangalan
Blind item pa kung sino ang kakanta ng Pambansang Awit sa laban ni Manny Pacquiao at David Diaz sa June 29 sa
Say ni Manny sa phonepatch interview kahapon sa signing ng memorandum of understanding sa pagitan ng GMA 7 at Solar Entertainment, wala pa raw silang napipili at ia-announce pa niya two days after yesterday, meaning tomorrow.
Pero nang pilitin siyang uriratin, secret muna dahil nalimutan niya raw kasi ang pangalan, sabay tawa ng boxing champ. Malamang hindi ito sikat dahil forgettable ang name.
Sabi naman ni Mr. Wilson Tieng, si Manny daw talaga ang magdi-decide kung sino ang kakanta. Wala pa naman daw silang final choice though meron na silang listahan ng mga pinagpipilian.
At para sa final choice, magkakaroon sila ng audition sa pamamagitan ng telepono. You read it right, kailangang marinig ni Manny ang mga singer na naghahangad ng makakanta sa kanyang laban.
Hmmm, puwede kayang ma-determine ni Manny kung maganda ba ang boses ng naga-audition? Posible ba ‘yun?
Anyway, ang ini-expect ng marami ay ang alaga ni Manny na si Yasmien Villegas ang kakanta, pero ang national anthem ng Amerika pala ang kakantahin nito.
Big deal na lang parati sa laban ni Manny kung sino ang kakanta ng National Anthem dahil umeeksena rin ang mga ito.
Sa huling laban ni Manny, si Ciara Sotto ang kumanta.
Anyway, pang-third na laban na ito ni Manny na sa GMA 7 napapanood.
Lethal Combination ang title ng laban nina Manny at David Diaz kung saan balak agawin ni Manny ang title ni David na WBC Lightweight Champion.
Mas mainit ang bakbakan ngayon dahil sabik sa panalo si Diaz kaya pipilitin nitong pataubin si Manny. Pero confident naman si Pacman na kakayanin niyang patumbahin si David Diaz na mas matanda ng dalawang taon sa kanya.
Nauna nang pinataob ni Pacman sina Erik Morales, Marco Antonio Barrera, Oscar Larrios and Jorge Solis.
Sa part ni Diaz, 1996 when defeated Zab
Last year, napilitang mag-retire si Erik Morales nang talunin niya ito sa WBC lightweight title.
Anyway, ang Lethal Combination ay mapapanood sa GMA 7, DZMM-AM at DWLS-FM.
Alam naman daw ng GMA 7 na mas mauuna na nagki-carry ang radio pero wala naman silang problema dahil mas nai-excite daw ang mga viewers. (SVA)
- Latest