Anak ng dating matinee idol may pasasabugin
Magpapaseksi na rin daw ang dalagang anak ng isang dating matinee idol. Ang pagpapaseksi ang paraan na naisip ng anak para mapansin siya at magkaroon ng space sa showbiz.
Na-promise ko sa aking source na hindi ko muna sasabihin ang name ng girl pero tiyak na ang pagsasabog niya ng kaseksihan sa August. Bakit August? Ma at pa! Baka naniniwala siya sa numerology!
* * *
Walang taping sa June 16 at June 17 ang lahat ng shows ng GMA 7 dahil sa Kapuso Olympics.
Required ang lahat ng Kapuso stars na mag-join sa Kapuso Olympics na gaganapin sa Batangas.
Hindi sila puwedeng mag-absent. Hindi na nila puwedeng idahilan na may taping sila dahil nagdeklara ng holiday sa taping ang management ng GMA 7.
Dahil malayo ang location ng Kapuso Olympics, no choice ang mga artista kundi ang mag-overnight sa beach resort na pagdarausan ng sports fest.
* * *
Certified singer na rin si KC Concepcion dahil may record album na rin siya sa Sony BMG Music Entertainment.
Like mother, like daughter si KC dahil Sony BMG artist din ang kanyang madir na si Sharon Cuneta.
Hindi na ako nag-wonder nang malaman ko na ipinag-produce ng Sony BMG ng record album si KC dahil may boses siya.
Namana niya ang magandang boses ni
Kumakanta rin si Gabby Concepcion pero hindi siya versatile singer na
* * *
Nakataas ang kilay ng mga mahihilig sa artista sa sinabi ni Lovi Poe na hindi pa niya boyfriend si Jolo Revilla.
Ayaw nilang paniwalaan ang pralala ni Lovi dahil iba raw ang mga ikinikilos nila ni Jolo kesa sa mga salita na lumalabas mula sa kanyang bibig.
Halatang-halata raw na may unawaan na sina Jolo at Lovi. Kung ako ang tatanungin sa tunay na estado ng kanilang relasyon, isa lang ang isasagot ko, ang sinabi ni Jolo sa Showbiz Central na “ What you see is what you get!”
’Yon ang pinaka-safe na sagot dahil mahirap mag-deny ng diretsahan.
Lumalabas din ang katotohanan sa bandang huli, lalo na sa showbiz na walang puwedeng ilihim.
* * *
Due to insistent public demand, tatanggap na uli ako ng mga opinyon at reaksyon mula sa dear readers ng PSN.
Puwede ninyong ipadala ang inyong mga agam-agam sa buhay sa [email protected].
Pag-iisipan ko pa kung ibabalik ko ang aking alok-bati portion dito sa PSN dahil kung pagbibigyan ko ang lahat ng nagpapabati, wala na kayong showbiz news na mababasa. Siyempre, hindi n’yo type ‘yon ‘noh!
- Latest