^

PSN Showbiz

Dyowa ng kilalang personalidad totoong nakikipagtikiman sa sexy actress

SHOWBIZ MISMO - Cristy Fermin -

Naaawa sa isang personalidad na sikat sa kan­yang larangan ang kanyang mga kaibigan. Ibang klase raw kasing magmahal ang babaeng ito, lahat-lahat ay ibinibigay niya sa lalaki, kung ilarawan nga siya ng mga taong nakakakilala nang lubos sa kanya ay mas masahol pa siyang magmahal kesa sa bading.

 “All mine to give talaga siya. Masaya siya sa ga­nung paraan of showing her love. Tuloy, mas­ya­dong nai-spoil ang lalake sa kanya,” simulang ko­mento ng isa naming source.

Marami nang pangalan ng mga sikat na aktor ang naugnay sa matagumpay na babae sa kan­yang larangan, ganundin ang takbo ng kuwento, para siyang ATM card na isinu-swipe lang ng mga ito pagdating sa kanilang mga luho.

Pero balewala lang yun sa babaeng perso­na­lidad, para lang kasi siyang namumulot ng pera araw-araw, malakas ang kan­yang negosyo kaya ang mga inireregalo niya sa mga lalaking nagmamahal (daw) sa kanya ay hindi makababawas sa kaban ng kanyang yaman.

Tulad ng huli niyang pag-ibig, dahil sa sobrang pang-i-spoil ng babae ay masyado na itong relax sa kanyang mga pinaggagagawa. Meron lang mga nagtatakip, pero totoong nakakatikiman ngayon ng lalaking ito ang isang sexy star.

Nagkikita sila sa isang condo unit sa isang siyudad na makikita sa gitna ng Ma­kati at Quezon City, dun sila nag­pa­pa­lipas ng init ng kanilang mga katawan, lalo na kapag wala sa bansa ang babaeng perso­nalidad.

Nakarating na ang kuwento sa babae, pero in de­nial siya, hindi raw yun magagawa sa kanya ng lalaki dahil wala na itong hahanapin pa sa kanya.

Dun na nagkomento ang kanyang mga kaibi­gan, nakakaawa raw naman ang babaeng perso­na­lidad, dahil pinaniniwala niya ang kanyang sarili na sa kanya lang nakasentro ang puso at atensiyon ng kanyang boyfriend.

 “Yun ang pinakamahirap, kapag in denial ka, pero alam mo naman sa sarili mo na kayang gawin yun ng guy. Useless din siyang sabihan dahil hindi ka naman niya paniniwalaan.

 “Pero one day, kapag nalaman na niyang totoo pala ang lahat ng mga kuwento, siya na mismo ang maggu-goodbye sa guy. Kilala namin siya, ma­init lang siya ngayon, pero bukas, kayang-kaya niyang hiwalayan ang guy,” pabuntong-hiningang sabi pa ng aming kausap.

Kahit pa magmakaawa ang lalaki sa kanya? Kahit pa lumuhod ito nang walang belo sa harapan ng babaeng personalidad?

 “Oo naman, I’ve seen all of them,” sabi pa ng aming impormante na ang tinutukoy ay ang mga lalaking naging karelasyon ng popular na babaeng personalidad.

* * *

Kumpirmado nang darating sa Winnipeg, Ma­nitoba, Canada ang tropa ng Wowowillie sa Sep­tember 28. Gaganapin ang show sa MTS Centre, ang pinakamalaking venue sa nasabing lugar na pi­nag­tatanghalan nina Josh Groban, Mariah Carey, Celine Dion, Tom Jones, Elton John at marami pang ibang sikat na international performers.

Masuwerte si Maribel Aunor dahil sa dinami-dami ng kumukuha sa grupo para magtanghal sa Canada ay siya ang nakakuha ng karapatang gawin sa Winnipeg ang sikat na programa sa buong mundo basta may Pilipino.

Pumirma na ng kontrata sa kanya si Willie Revillame, nagbigay na ng down­payment ang prodyuser na pamilyar sa atin, dahil miyembro siya ng dating Apat Na Sikat na kinabi­bilangan din noon nina Winnie Santos, Dondon Nakar at Arnold Gamboa.

Kung masuwerte siya sa pagkakakuha sa grupo ay mas magiging masuwerte ang grupo ng Wowowillie na makatrabaho ang isang propesyonal na promoter-producer na tulad ni Lala.

Napakapropesyonal niya, lahat ng aspeto ay tinitingnan niyang mabuti kung nasusunod ba o hindi, siya ang nakilala naming promoter na hindi umaasa sa ticket sales ng mga shows na siya ang nagdadala.

Meron siyang puhunan, hindi siya nakadepende sa benta ng tickets, hinding-hindi mangyayari sa ilalim ng kanyang produksiyon ang madalas katakutan ng mga singers at artista na bigla na lang paglalaho ng kanilang prodyuser kapag oras na ng bayaran ng balanse.

Yun si Lala Aunor.

APAT NA SIKAT

KANYA

PLACE

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with