Baka maharang pa raw Interview ni Kris sa GMA 7, inilihim
Nalito ako sa panonood ng TV kahapon dahil nakita ko sa Showbiz Central ang interbyu ni John Lapuz kay Kris Aquino.
Ang akala ko, namalik-mata ako dahil talent si Tetay ng Kapamilya network at dati siyang co-host ng The Buzz.
May permiso ba ng ABS-CBN ang pag-apir ni Tetay sa Showbiz Central? Ma at pa!
Basta ang alam ko, si John ang gumawa ng paraan na mainterbyu si Tetay at pumayag ito dahil friends sila.
Hindi nga raw nagkaroon ng plugging ang interbyu kay Tetay para hindi ito maharang.
Kahapon ng tanghali nang kunan ang interbyuhan portion nina John at Kris. Kinahapunan, ipinalabas na ito sa Showbiz Central.
Nangyari ang tsikahan nina John at Tetay sa bahay nito sa Valle Verde dahil birthday celebration ni Joshua. Sa June 4 pa ang birthday ng anak nina Kris at Phillip Salvador pero inagahan ang kanyang birthday celebration na dinaluhan ni Mama Cory Aquino at ng pamilya nito.
* * *
Luz Valdez as in umuwing luhaan mula sa
Kung natatandaan ninyo, ang PSN ang unang naglabas ng balita tungkol sa pagsali ng isang Pinay sa bonggang talent search show ng
Naging instant celebrity sa Pilipinas si Madonna dahil sa pag-join niya sa
Pero short-lived ang popularity ni Madonna dahil natsugi siya sa semi-finals round ng show. Better luck next time na lang iha!
* * *
Baka hindi na maulit ang pagsali ni Jay Manalo sa Kung Ako Ikaw dahil nag-back out siya.
Nag-goodbye sa taping si Jay dahil hindi niya feel na maging gay for a day sa episode ng Kung Ako Ikaw na ipalalabas mamayang gabi.
Siyempre, na-delay ang taping dahil naghanap pa ng magiging kapalit ni Jay. Naimbyerna ba sina Joey Marquez at Keempee de Leon na mga host ng Kung Ako Ikaw? Hindi ang kanilang sagot pero nagulat ang dalawa dahil first time nila na maka-encounter ng guest na biglang nagbabu sa kanilang show!
* * *
Hindi ko tinapos ang wedding reception nina Inah Revilla at Vince del Rosario kaya hindi ko napanood ang pagkanta ni Martin Nievera.
Hindi ko nga nakita si Martin dahil kung nagpang-abot kami, isa lang ang itatanong ko sa kanya, true ba na nagkakaproblema ang relasyon nila ni Katrina Ojeda?
Kung ako ang tatanungin, type ko na maging forever ang relasyon nina Martin at Katrina na na-meet ko sa
Matagal nang nali-link si Martin sa ibang girl pero dedma siya sa isyu. Iniiwasan niya na pag-usapan ang kanyang lovelife.
- Latest