^

PSN Showbiz

Akting ni Yasmien nilalamon ni Angelika

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -

Sa presscon ni Billy Crawford, sinabi  nito na kakausapin din niya si Kuya Germs (Moreno) one of these days. Pero ang hinihintay-hintay ng master showman ay ang pagbibigay-alam niya na lilipat na siya sa Dos. Papayag naman siya kaya lang, inaasahan nito na bibigyan siya ng respeto at pagpapahalaga bago nakipag-negotiate sa ABS-CBN kung saan under siya sa talent management sa Amerika.

“I’m proud of Kuya Germs. Tatay-tatayan ko siya. I will talk to him first face to face. He taught me many things with regards to my career since I was five years old. Tinuruan niya akong mag-lyp synch at sinabing I have to feel the song habang kumakanta hawak ang mikropono,” aniya.

Sa ngayon ay may tie-up ang kanyang foreign agent sa Endemol abroad kasama ang representative ng Endemol mula sa Pilipinas para sa kanyang bagong proyekto na Pinoy Dream Academy. Mas lalo pang magiging abala si Billy dahil magiging host din siya ng ASAP.

* * *

Hindi pabor sa pre-marital sex si Angelika dela Cruz kaya imposible siyang mapagbintangang buntis noong nalason at magsuka. “Tita kung ihahatid ako sa altar ng lalaking makakasama ko habang buhay gusto ko ay virgin pa ako,” aniya.

Maraming magagandang feedback kaming natatanggap sa galing ng akting ni Angelika at may nagsasabing nilalamon pa nga nito sa akting si Yasmien Kurdi na bida ng Babangon Ako’t Dudurugin Kita.

AMERIKA

ANGELIKA

BABANGON AKO

BILLY CRAWFORD

DUDURUGIN KITA

ENDEMOL

KUYA GERMS

YASMIEN KURDI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with