Hinarap na ang outside world
Maaring nakalabas na ng Bahay ni Kuya ang ex-teen housemates na sina Jolas, Josef, Priscilla at Rona ngunit tuloy pa rin ang pagtutok ng sambayanan sa kanilang bawat hakbang lalo pa’t muli na silang nakabalik sa outside world.
Ngayon pa lang ay marami nang nag-aabang sa posibleng maging karera ni Josef sa showbiz—ang parehong larangang ginagalawan ng kanyang inang talent manager at amang musician.
“Kung ano lang po siguro ang dumating, tatanggapin ko na lang po. If ever, siguro pang-comedy po ang linya ko,” pahayag ni Josef.
Nang tanungin naman kung sino ang gusto niyang maka-loveteam, walang pag-aalinlangang sumagot si Josef, “Si Anne Curtis at Angel Locsin po.”
Bukas pa rin ang pinto ni Priscilla sa maaaring maging oportunidad niya sa showbiz. “Willing din po akong mag-model.
Pag-aaral naman ang nais gawin ni Rona. “I want to take up medical technology ipagpatuloy ang pagiging cager sa kanyang alma mater na Far Eastern University.”
Tiyak malaki ang hinaharap na naghihintay sa apat na ex-teen housemates na ito.
- Latest