^

PSN Showbiz

Actress ‘di puwedeng ‘patayin’

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Endorser ng gatas ang actress na ito na isa sa mga bida sa sinusubaybayang soap sa primetime block. May sakit ang character nito sa soap at ang original script ay sakit ang kanyang ikamamatay. Pero dahil sa kanyang endorsement, nabago ang paraan nang pagkamatay ng character niya sa soap.

Dahil supplement food ang ini-endorse, pampalakas at pampalusog, bawal siyang mamatay sa sakit. Tama nga namang epitome of health siya at hindi maganda sa produktong kanyang ini-endorse (lalo’t gatas), kung sa sakit siya matsutsugi.

Iniba na lang ang paraan nang kanyang pagkamatay sa serye and in fairness, bagay sa istorya. Hindi lang namin isinulat, dahil tiyak na mahuhulaan ng mga readers.

* * *

Pipirma na this Friday si Marian Rivera bilang pinakabagong endorser/image model ng Jag Jeans. Si Angel Locsin ang pinalitan niyang endorser nang brand ng jeans, pero ayaw nitong gawing malaking isyu ang pagkakapili sa kanya bilang kapalit ng una.

Walang TVC ang Jag Jeans kundi print, sa nagkalat na mga billboards lang nalalaman kung sino ang endorser nito. Mabago kaya ang paraan nang pagpo-promote ng produkto ngayong si Marian na ang endorser/image model nito?

Ang Jag Jeans ay isa lang sa maraming bagong endorsements ni Marian na sunud-sunod na lalabas sa July. Marami pang mga offers na pinag-aaralan ng manager niyang si Popoy Caritativo.

Samantala, ayaw bitiwan ng mga viewers ang Dyesebel at inaasahang mataas ang ratings nito this Friday’s episode dahil first time nag-kiss sina Dyesebel at Fredo (Dingdong Dantes) at nakunan ’yon ng video. Mapapahiya si Dyesebel sa ad campaign presentation nang ipakita ang video na hinahalikan siya ng binata.

* * *

Hindi napilit si Patrick Garcia na mag-comment tungkol sa nangyari sa relasyon nila ni Jennylyn Mercado. Puro “I don’t wanna talk about it” ang sagot nito sa press na bumisita sa taping ng Babangon Ako’t Dudurugin Kita. Pati ang balitang sa Amerika manganganak ang ex-girlfriend ay hindi rin sinagot.

Tatapusin lang ni Patrick ang taping ng Babangon…, at pupunta na siya ng Amerika. Hindi niya hihintayin si Jennylyn doon, mag-i-enroll siya ng special course in filmmaking sa New York at mga three months siya roon. Kung July siya aalis, aabutan niya si Jennylyn na sa September naman due manganak.

* * *

Darating ngayon (Friday) si Billy Crawford and by 11:30 a.m., ihaharap siya ng ABS-CBN sa isang presscon. Dito sasabihin ng Fil-Am performer kung bakit ang maging host ng Season 2 ng Pinoy Dream Academy ang mas pinili niya over sa dance reality show na offer ng GMA 7.

Tiyak na sasagutin din ni Billy kung ano ang gagawin niya para mawala ang tampo sa kanya nina German Moreno at ang iniwang manager niyang si Raul Laurente.

AMERIKA

ANG JAG JEANS

DYESEBEL

JAG JEANS

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with