^

PSN Showbiz

Bagong trend sa showbiz demandahan sa probinsiya

- SEEN SCENE -

Seen : Ang tensyon sa pagitan ni Senator Bong Revilla at ng kanyang balae na si Jorge del Rosario. Hindi masyadong nagpansinan ang dalawa sa loob ng simbahan habang ikinakasal ang kanilang mga anak.

Scene : Nag-set ng trend sina Jobert Sucaldito at Rose Flaminiano. Nauso ang pagdedemanda sa malayong probinsya dahil sa libel case laban kay Jobert na isinampa ni Rose sa Tarlac. Nagkontra-demanda si Jobert ng libel laban kay Rose sa Iloilo City. Next in line si Korina Sanchez na idedemanda sa Cotabato City ng mga tauhan ng Lucida-DS. Suportado si Korina ng ABS-CBN News Department sa kanyang bagong laban. Coincidentally, nag-ugat ang mga kaso sa whitening pills.

Seen : Wise move ang ilipat sa gabi ng Sabado ang Songbird ni Regine Velasquez na dating napapanood tuwing Huwebes. May tsansa nang mag-rate ang musical show ni Regine.

Scene : Si Marian Rivera ang bagong endorser ng Jag. Out na si Angel Locsin.

Seen : Mga “unseen” na artista: Aleck Bovick, Maui Taylor, Juliana Palermo, Cogie Domingo, Carlos Agassi, Joyce Jimenez, Carlos Morales, Jericho Rosales, AJ Dee, Mike Tan, Mart Escudero, Jennica Garcia, Troy Montero, Rustom Padilla, Alma Concepcion, Melanie Marquez, Aiza Marquez....

Scene : Ang bagong K Brosas. Hindi kaagad nakilala si K ng manonood ng My Girl dahil sa kanyang malaking transformation. Pumayat at lalong pumuti ang kulay ni K. Gusto ng mga tagahanga ni K ang dating bulto ng kanyang katawan.

Seen : Ang nag-iisang eksena ni Monique Wilson sa Caregiver. Pinanghi­nayangan ang brief exposure ni Monique na hindi naramdaman ang presence sa pelikula.

AIZA MARQUEZ

ALECK BOVICK

ALMA CONCEPCION

ANGEL LOCSIN

CARLOS AGASSI

CARLOS MORALES

COGIE DOMINGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with