MTRCB at OMB Nagsanib
Nakikapit-bisig na ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa Optical Media Board (OMB) sa paglaban sa child pornography.
“Obligasyon namin na pangalagaan ang mga kabataan at tiyakin na hindi sila maaabuso,” sabi ni MTRCB Chairwoman Consoliza Laguardia sa isang panayam.
Lumulubha na ang paglipana ng mga child pornographic videos kaya nagpahayag na si Laguardia ng ganap na suporta sa OMB na pinamumunuan ni Edu Manzano.
Layunin ng MTRCB sa pakikipagtulungan sa OMB ang matiyak na magagamit ang mga kaukulang batas laban sa child phornographic materials.
- Latest