Gretchen absent sa kasal ng anak ni Tony Boy
SEEN: Nakukulangan ang marami sa acting ni Yasmien Kurdi sa Babangon Ako’t Dudurugin Kita. Kulang siya sa emosyon at may mga pagkakataon na blangko ang kanyang mga mata ngunit bagay sila na mag-ina ni Dina Bonnevie dahil hindi nagkakalayo ang size ng kanilang mga katawan.
SCENE: Masasaktan si Sharon Cuneta kung itutuloy ng Viva Films ang remake ng Dear Heart. Naiipit sa nag-uumpugang bato ang Viva Films dahil ikinuwento na ni Robin Padilla sa mga kaibigan niya na launching movie ng kanyang anak na si Queenie ang remake ng unang pelikula ni Sharon.
SEEN: Limang milyong piso ang kinita sa takilya ng Ikaw Pa Rin, Bongga Ka Boy sa unang araw ng showing nito. Pinilahan ang pelikula nina Ai Ai at Robin sa kabila ng maulan na panahon.
SCENE: Kailangan ni Hero ng bagong hairstyle. Napagkakamalan siya na tomboy dahil sa kanyang maamong mukha at hairstyle.
Seen: Gusto ni Carlene Aguilar na mag-showbiz. Gusto ba siya ng showbiz?
SCENE: Ten million pesos ang halaga ng condo unit na magiging tahanan nina Vince del Rosario at Inah Revilla at P2.5 M ang magagastos sa kanilang church wedding. Marami ang naghihirap sa ating mga kababayan.
No need to flaunt.
SEEN: Ang wedding photos ni Patricia Cojuangco, ang panganay na anak ni Tony Boy Cojuangco. Kumpleto ang pamilya. Naroroon ang kanyang ama, lola at half-sister na si Dominique ngunit no-show ang ina nito na si Gretchen Barretto.
Scene: Maagap ang mga pirata ng pelikula. May pirated copies na ang When Love Begins, Ploning at Ikaw Pa Rin, Bongga Ka Boy.
- Latest