Shawie effortless ANG Pagpapatulo ng luha
Ewan, pero ilang beses na naming napapanood ang trailer ng pelikulang Caregiver, pero tuwing ipinalalabas yun sa telebisyon ay tumututok pa rin kami. Hindi kami nagsasawang ulit-ulitin ang panonood sa trailer ng pelikulang pinagbibidahan ni Sharon Cuneta, parang may mababawas sa aming buhay kapag hindi namin yun tinututukan, may kakaibang karisma sa publiko ang proyektong ito.
Hindi man gumawa ng pelikula sa loob nang apat na taon si
May kuwento ang isang insider sa amin kung gaano kagaling si
“Iba ang pictorial ng mga publicity materials kesa sa pictorial para sa poster. Masasaya ang publicity photos, pero sa pictorial ng poster, kailangang iarte nila ang tema ng movie sa kanilang pictorial.
“Si Jun de Leon ang namahala sa photography namin, sinabi lang sa kanya ng staff kung ano ang dapat gawin ni Sharon sa pictorial, yun naman ang hiningi niya kay mega.
“Yumuko lang nang ilang seconds si
“Walang kadaya-daya, napabagsak ni mega ang luha niya sa gilid ng mata niya. Ang sumunod na hiningi ni Jun, kailangan pabagsakin ni Sharon ang luha sa gitna ng mata niya.
“Yumuko lang uli si Sharon, nung mag-angat siya ng ulo, umiyak siya, sa gitna bumagsak ang tears niya, gusto siyang palakpakan ni Jun dahil sa napakabilis niyang pag-iyak.
“Ganun siya kagaling. Kaming lahat na nandun sa pictorial, parang gusto namin siyang lapitan para lang palakpakan at halikan. Magaling siyang umiyak talaga, siya lang ang nagmo-motivate sa sarili niya, ngayon lang ako nakakita ng artistang tulad ni Sharon na kung saan gustong pabagsakin ng direktor ang luha niya, e, dun nga niya pababagsakin yun,” papuri pa ng aming kakuwentuhan.
* * *
Pinaligaya ng Aegis band ang aming mga kanayon nung Huwebes nang gabi. Piyesta sa baryo kung saan kami nag-ugat, kami ang hiningan nila ng tulong para sa mismong gabi ng kapistahan, ang Aegis band agad ang pumasok sa aming isip.
May kuwento kung bakit sila ang alam naming makapagpapaligaya sa aming mga kababaryo. Kapag umuuwi kami ng Undas at Mahal Na Araw sa aming nayon ay ang mga pinasikat na kanta ng Aegis band ang naririnig naming kinakanta ng mga bata.
Kabisado ng mga bata ang lyrics at tono ng mga kantang Luha, Halik, Basang-basa sa Ulan at iba pang mga kanta ng grupo. Sikat na sikat ang grupong ito lalo na sa mga probinsiya, klik na klik sa ating mga kababayan ang kanilang mga komposisyon, at tanggapin natin ang katotohanan na kahit sinong diva diyan ang tumapat kina Juliet at Mercy Sunot na mga bokalista ng grupo ay siguradong mahihirapang sumabay sa taas ng kanilang boses.
At hindi kami nagkamali. Nung umakyat na sa entablado ang Aegis band ay ganun na lang ang saya ng aming mga kababaryo. Umuulan nung gabing yun pero walang pakialam ang mga tao sa plaza, hindi nababawasan ang mga tao, nadadagdagan pa nga.
Isiningit lang nina Tito Lito at Tita Josie Galindo na manager nila ang aming imbitasyon. Meron silang show sa Rizal, malayo yun sa amin, pero ginawan nila ng paraan na hindi mabitin ang aming imbitasyon.
Sa pagpapaligaya ng Aegis band sa aming mga kababaryo, sa galing nilang mag-perform at sa kanilang kabutihan, maraming-maraming salamat sa sikat na grupong ito.
- Latest