Coney Reyes at Regine Tolentino, kapwa palaban!
Sina Coney Reyes, Regine Tolentino, at Grace Gupana — mula sila sa magkakaibang mundo ngunit meron silang pagkakapareho, lahat sila ay may tibay ng loob na nakatulong sa kanilang malagpasan ang mga dumaang pagsubok sa buhay. Ngayong Biyernes, tampok sa Proudly Filipina ang kanilang mga kwento.
Biktima ng date-rape si Coney Reyes noong siya ay teenager pa, at nagawa niyang makipaghiwalay sa dati niyang asawa noong panahon na may stigma pa ang pagiging isang separada.
Si Regine naman ay isang ina at asawa na tila walang kapaguran. Ginagawa niya ang lahat para makatulong sa kanyang pamilya para mamuhay ng maginhawa at masaya.
Samantala, kung mahina-hina lang ang loob ng businesswoman na si Grace Gupana, matagal na siyang nagpatalo sa mga pagsubok.
Abangan ang kanilang mga kuwento bukas ng 7 p.m. sa Proudly Filipina sa Q-11.
- Latest