^

PSN Showbiz

Pelikula ni G. Toengi kinikilala sa abroad    

-

Patuloy na kinikilala sa mga pandaigdigang institusyon ang pelikulang Canvas na pinag­bidahan ni Giselle Toengi at idinirek ni Arlene Bogna para sa charity na A  Window Between Worlds.

Napili ito bilang isang lahok sa 41st Annual Worldfest-Houston International Film Festival at  nagkamit ng isang 2008 Remi Award. Ito ang ikaapat na award para sa Canvas na ipinalalabas bilang isang short film sa in­dependent film festival. Ang pelikula ay produced ng Women in Film. Noong nakaraang buwan, ipi­nalabas din ito sa Regal Arbor Cinema sa Austin, Texas.

Ipinakikita sa pelikula ang isang babae na may malakas at ma­salimuot na pagkatao. Ipinahiwatig ni Bogna na naipakita ni Toengi ang buo nitong kaluluwa para sa proyekto. Sa mga boses, closed-ups at pabalik-balik mula paintbrush hanggang sa mga mata ni Toengi, ayon kay Bogna, hindi mo makukuha nang buo ang pelikula kung hindi mo ito tatapusing panoorin. Lumabas din ang pelikula sa New York International Independent Fil and Video Festival  bukod sa telebisyon.

ANNUAL WORLDFEST-HOUSTON INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

ARLENE BOGNA

BOGNA

GISELLE TOENGI

NEW YORK INTERNATIONAL INDEPENDENT FIL AND VIDEO FESTIVAL

REGAL ARBOR CINEMA

REMI AWARD

TOENGI

WINDOW BETWEEN WORLDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with