^

PSN Showbiz

May subpoena na! Baron ipinatatawag na ng DOJ

-

Ipinatatawag na ng Department of Justice ang aktor na si Ba­ron Geisler upang sagutin ang mga kasong kriminal na isinampa laban sa kanya ng anak ng aktor na si William Martinez at Yayo Aguila ito ay mata­pos na magpa­labas kahapon ng subpoena si Prosecuting Attorney Amanda Felipe, ang pis­kal na humahawak sa naturang kaso.

Base sa supoena, pi­na­haharap si Geisler para sa isang preliminary investigation sa Mayo 23, dakong alas 10:30 ng umaga.

Naunang kinasuhan ni Patrizcia Martinez ng act of lasciviousness ang suspek sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group sa Camp Crame.

Inireklamo ng dalagang Martinez na hinipuan siya ni Geisler sa maseselang parte ng kanyang katawan habang kausap niya ito sa Fiamma bar sa Makati City.

Bukod sa panghihipo ay niyaya pa umano ni Geisler si Martinez na makipag sex dito. -Gemma Amargo-Garcia

DEPARTMENT OF JUSTICE

GEISLER

GEMMA AMARGO-GARCIA

PATRIZCIA MARTINEZ

PHILIPPINE NATIONAL POLICE-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

PLACE

PROSECUTING ATTORNEY AMANDA FELIPE

WILLIAM MARTINEZ

YAYO AGUILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with