Dahil sa lips to lips kay Dennis...Katrina nagka-allergy!
Sinabi ni Katrina Halili na hindi niya nalasahan ang halik ng leading man niya sa Magdusa Ka na si Dennis Trillo.
Ginawa ng dalagang tubong-Palawan ang pahayag nang tanungin siya ng Philippine Entertainment Portal kung ano ang lasa ng halik ng aktor.
Mas concerned kasi si Katrina noong sandaling iyon sa balbas ni Dennis.
“Kasi iyon ang dumidikit sa akin,” sagot ng seksing aktres. “Nagka-allergy ako. Nagpa-facial ako after, kasi, ’di ba may mga tusuk-tusok?”
So, nainis ba siya sa eksena nilang iyon?
“No, hindi naman. Part naman ’yon ng job, eh,” sagot agad ni Katrina.
Ngayong bida na si Katrina matapos maging pangunahing kontrabida sa Marimar at itanghal na sexiest Pinay for two consecutive years ng FHM Philippines, sinasabing malayo na ang kanyang narating. Isama pa rito ang kanyang mga endorsements at paglabas pa ng sarili niyang coffee table book, may mga nagsasabi pang iniwan na raw niya nang milya-milya ang tinanghal na StarStruck Ultimate Female Survivor noon na si Jennylyn Mercado.
“Ang masasabi ko lang, ngayon dapat ibigay ang award! Ha ha ha! I am the ultimate survivor,” tawa nito na sabay binawi. “Joke lang po. Friend ko si Jennylyn, noh!”
And to prove her being a true friend to Jennylyn, nakahanda raw si Katrina na ibigay ang anumang kakailanganin ni Jennylyn sa nalalapit nitong panganganak.
“Actually, nag-offer ako sa kanya pero sa ngayon, sabi niya, kaya pa raw niya. So, sabi ko sige. Pero kasi pagdating ng 6th month hindi na siya puwedeng mag-work. Kaya tutulungan ko siya,” alok ni Katrina sa kapwa StarStruck aktres.
- Latest